Chapter 31

101K 1.9K 77
                                    

                                                                      ****

Komportableng nakaupo si Warren sa kanyang sopa hawak ang isang beer in can. Nakapatong sa center table ang tatlong lata ng beer na pinag-inuman niya na. Tahimik siyang umiinom mag-isa habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon. May hinihintay siyang programa na hindi niya maaring palampasin.

Ding dong.

Ipinatong niya sa mesa ang iniinom, binawasan niya ang volume ng pinapanood at saka tumungo sa pintuan. Pagkabukas niya ng pinto, ilang saglit siyang hindi nakapagsalita. Nagulat siya sa bisitang bumungad sa harap niya.

"M-Matthew?"

Napalunok muna si Matthew bago dahan-dahang gumuhit ang mga ngiti nito sa mukha. " I took the chance of coming here unannounced. Lucky that you're home..."

"G-Get in.." naasiwang bigkas ni Warren habang nilalakihan ang pagkakaumang ng pinto.

Walang pag-aalinlangang pumasok si Matthew sa loob. Doon ay nakuha agad ang pansin niya ng mga pinag-inumang beer ng pinsan.

"I guess I arrived with perfect timing. My throat is craving for some beers too." masiglang wika niya habang pabagsak na naupo sa sopa.

"I-I'Il get some more..." sambit ni Warren at nagtungo ito sa refrigerator para maglabas ng ekstrang beer.

Habang hinihintay ang pinsan, kinuha ni Matthew ang remote ng TV upang ilipat ito sa sports channel. Subalit nang mapagtanto kung anong programa ang pinapalabas dito naisipan niyang huwag na itong pakialaman.

"Here." alok ni Warren ng beer sa pinsan.

"Thanks." Binuksan ni Matthew ang beer at komportableng sumandal sa malambot na upuan.

Naupo naman si Warren sa couch na nakaharap sa bagong dating na lalaki. At nag-aalangang tiningnan niya sa mukha ang pinsan.

"Do you want to drink outside? I'll change my clothes now." tanong niya habang pinapakiramdaman ang dahilan ng pagdalaw ng lalaki.

"No." sagot ni Matthew habang nasa telebisyon naman ang mga mata. "Let's just drink here. You're a committed man now and going to a bar with you won't be as fun as before. You know me, I don't enjoy without girls around," tatawa-tawang biro nito at sabay inom ng beer.

Napangiti rin si Warren at gumaan ang kanyang dibdib nang maramdamang tila wala ng kinikimkim na galit sa kanya ang pinsan.

"I do plan to see you. Naghahanap lang ako ng tamang timing. I thought you still feel bad about me," kusang paliwanag niya habang nasa hawak na beer nakatuon ang mga mata.

" I still do," diretsong sagot ni Matthew na noon ay hindi malaman kung seryoso o nagbibiro. " But what can I do? I can't go on with my life drinking alone. You know that you're my only drinking buddy. I guess I miss you that's why my feet brought me here." tatawa-tawang sagot nito.

Natawa rin si Warren sa pahapyaw na biro ng pinsan. "I miss you too man," ngunit saglit lang ay unti-unting nabura ang mga ngiti niya."..and I'm sorry." dugtong niya habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng kausap.

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Matthew. Sa una, tiningnan niya muna ng seryoso ang mukha ng humihingi ng tawad na kausap. Mabilis niya ring binawi ang mga paningin at itinuon ang mga ito sa bintana. Tumingin siya sa malayo, lumunok at kunwa'y natawa ng mahina.

"You have nothing to be sorry about... If there's someone who has to apologize between us, it has to be me."

Nagtatakang tiningnan ni Warren ang mukha ng kaharap at saka umiling para ipahiwatig na hindi siya sang-ayon sa narinig. "Why do you have to apologize? You didn't do any mistake. I was the one who lied."

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon