Chapter 8 -- Convincing A Broken Heart

29 0 0
                                    

Tuluyan na ngang nilisan ni Gk si Jared. Hindi niya alam ang pupuntahan kaya napaupo na lang muna siya sa may stairs ng isang abandonadong restaurant.


Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. Una, umiiyak siya dahil nasasaktan siya. Pangalawa, dahil gusto niyang maniwala sa sinabi ni Jared na mahal siya nito kaso hindi pa rin palagay ang loob niya sa mga sinabi sa kanya ni Veronica at sa mga narinig at nakita niya sa pagitan ng dalawa.


Gk found herself calling Miggy. “Miggy.”


Biglang tumigil si Miggy sa pag gigitara, nag re-rehearse kasi sila nun ng banda niya. Ramdam nito ang pagtangis ng kausap. “GK, ano'ng problema?”


“Miggy, pwede bang…pwede mo ba’kong puntahan?”


“Nasa’n ka? Pupuntahan kita.”


Pag-alis ni Miggy nag alboroto ang mga ka bandmates niya. “Gano'n ba kahalaga ang Gk na ‘yon para iwan niya tayong ng basta-basta?” Tanong ni Emily sa mga kasamahan niya. Walang pakialam si Miggy kung ano man ang ginagawa niya basta ang alam niya kailangan siya ngayon ni GK.


Nakita niya si GK na nakaupo na sa isang sulok, umiiyak. Nakaka awa ang itsura nito kaya agad na niya itong nilapitan. “Gk.”


“Miggy.” Tumayo siya at niyakap si Miggy.


“Nandito na’ko, hindi kita iiwan.” Niyakap niya pa ng mahigpit si Gk. Okay lang kahit hindi ako ang una mong tinawagan nung kailangan mo ng tulong, ang mahalaga sa'kin ngayon ay kasama kita.


Dinala ni Migg si Gk sa unit nito. Pansamantala daw dun muna siya habang wala pa siyang nakikitang malilipatan.


Malalim na ang gabi, pero hindi pa rin natutulog itong si Gk. Iniisip pa rin niya ang mga sinabi sa kanya ni Jared. Maniniwala ba’ko sa'yo? Napapikit siya, at mukha pa rin ni Jared ang nakikita niya.


Napalabas siya sa sala at nagtungo sa glass window at tinanaw niya ang lugar sa baba pati na rin ang mga kalapit na building pero wala do'n ang focus niya kundi na kay Jared. Hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya si Miggy.


“What’s bothering you?” Tinignan siya ni Gk, pero hindi ito sumagot. “Come on, tell me.”


Gk sigh. “He said he love me.”


Si Jared? Ah, malamang siya nga. “Si Jared.”


“Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya.”


“Bakit?”


“Hindi ko alam, nalilito na’ko. Hindi pa nga tapos ang problema ko sa pamilya ko, heto naman siya, isa pang problema.” Bumuntong hininga siya.


“Pwede namang hindi mo siya problemahin.” Dahan dahan siyang lumapit kay Gk, hinawakan niya ang mukha nito. “Mahal mo ba siya?”


Dahan dahang tumango si GK. “Falling inlove with him is something I didn't expect.”


Unti unting binitawan ni Miggy ang pagkaka hawak sa mukha ni GK. Tila nasaktan ito sa mga pahayag nito. “I—I got it.” Nag iwas siya ng tingin dito. “Matutulog na’ko, its getting late matulog kana rin.” Then he leave.


Sa tingin ni Gk ay ilang oras lang ang tulog niya, dahil sa kaka isip sa mga problema niya. Hindi niya alam kung ano ang uunahin. Tapos ngayon wala pa siyang pera, hindi naman pwedeng magtagal siya sa unit ni Miggy. Kaya nakipagkita siya kay Carlisle para hiramin ang isang credit card nito pati na rin ATM.


Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon