Kabanata 8

10 3 0
                                    

Ding! Dong!

Ding! Dong!

Bigla akong napabalikwas dahil sa pag tunog ng doorbell na minemurder ngayon ng kung sinumang hinayupak ang nasa labas.

"Kai may tao sa labas."sabi ko rito habang mahinang tinutulak dahil patuloy padin ito sa ginagawang pagpapaulan sakin ng maliliit na halik.

Ding! Dong!

Ding! Dong!

"Kai anu kaba. Tama na yan mag bihis na tayo baka importante yung nasa labas!"

"Aarrrgggghh! Ok ok!" Napipilitan itong tumayo at isinuot ang nahubad na tshirt.

Tinititigan ko ang katawan niya na nakahantad sa harap ko ng bigla ako nitong siilin ng halik. Kaya naitulak ko ito ng mahina dahil sa gulat.

"Don't give me that look Sab...baby baka hindi ko na labasin ang kung sino man nasa labas at ipagpatuloy nalang natin ang naudlot."saad nito habang tumatawa at umiiling iling.

"Sira ulo ka talaga! Lumabas kana don ng makapag bihis na ko!"ngumuso ako habang tinitignan ito ng masama.

"Isa pang kiss!" Pagkatapos nitong magnakaw ng halik sa huling pagkakataon ay lumabas na nito sa gate para tignan kung sino ang taong  nasa labas.

Pagkatapos kong magbihis ay sumunod na ako sa labas para tignan kung sino ang kausap ni Kaiuz.

"Kai sino yan?"

"Hi Sab!"magkapanabay na bati sakin ni Omar at Jack na siya palang naging istorbo sa amin ni Kaiuz.

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit mapula at mejo pouty ang labi nitong si Kaiuz!"sabay na halakhak ni Jack at Omar.

"Oh eh ano naman ngayon kung naghalikan kami! Hindi naman yon masama dahil kami naman!"mga bwiset na to. Tahimik namang nakangiti si Kaiuz at inabot ang kamay ko para makalapit ako sakanila. Inakbayan niya ko at sinabing.

"Inaaya nila ko magbasketball gusto mo bang sumama tayo?"nakangiti nitong tanong sakin.

"Payagan mo na Sab minsan lang kami mag aya ng laro. Kalaban namin yung mga taga kabilang subdivision."

"Ok sige payag ako."

Umaliwalas ang mukha ng dalawang kolokoy dahil sa sinabi ko. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakasimangot si Kaiuz na parang hindi nagustuhan ang naging pagpayag ko.

"Bakit ka pumayag?..balak ko pa naman ituloy yung nasimulan natin kanina.."bulong nito sakin habang papasok kaming apat sa bahay para makapagpalit si Kaiuz ng damit panglaro.

Kinurot ko ito sa tagiliran dahil sa kahihiyan ko sa sinabi niya. Tinawanan lang ako ng tatlong mokong dahil sa naging reaksyon ko.

~~~~~

Habang papunta kami sa court na pagdadausan ng basketball na sinalihan nilang tatlo panay lang ang kwento ni Omar at Jack ng tungkol sa naging lakad nilang dalawa kagabi at kung gaano daw kaganda yung mga nakilala nilang babae.

Pinapaulanan ko lang sila ng irap sa sobrang inis ko. Hello! Baka matempt si Kaiuz baby ko na sumama sakanila kapag ganyan ang sinasabi nila no!

"Excuse me lang no! May babae dito kaya baka pwedeng tigilan niyo yang mga kabalbalan niyong dalawa!"tinawan lang ako ng dalawa pero ang nakapag pakilig sakin ng sobra at nakapagdulot sakin ng kilabot ay ang ibinulong sakin ni Kaiuz.

"Baby..para sakin...ikaw..ang pinaka magandang babae na nakilala ko.."malambing nitong bulong sa tainga ko sabay kintal ng mabilis na halik sa labi ko.


--------------------------

Guys 9 and 10 padin ang kasunod nitong kabanata 8..mejo nagulo lang ako sa pagpublish..pasensya na..

😘😘😘😘😘

The One Who Broke My Heart!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt