Chapter 8.

8.8K 366 40
                                    

CHAPTER 8.


Nagdinner kami saglit bago umakyat sa kwarto ni Callixte at sinimulan ang house model.



Hanggang ngayon ay hindi ako iniimik ni Callixte kaya hindi ko nalang din siya kinakausap dahil baka masaktan na naman ako sa kung ano man ang mabitawan niyang salita.



Habang gumagawa kami ng house model ay nakatitig lang ako sakanya. Ang hirap basahin ng lalaking 'to. You cannot really determine if he's not in the mood or serious lang talaga yung mukha niya.



"Tititigan mo nalang ba ako? 'Di ka tutulong?" He asked nang mapansin na nakatitig lang ako sakanya.



"Ay, sorry. Pogi mo kasi lalo pag seryoso ka, e." I said para mag-lighten naman yung mood niya.



"TSS." Umiling-iling lang siya pero nakita kong ngumiti siya ng konti. Omg! Did he really smiled?



"Uyyy! Ngumiti! Bati na ba tayo?" I asked at kinulit siya.



Sumimangot siya pero may bahid parin ang pag-ngiti, "Tss. Anong bati na tayo? Hindi."



I pouted. Siguro nga galit padin siya, "Sorry na Callixte kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan.."



Napatingin siya sa akin, "Lagi mo nalang ako binabadtrip." Halaaa T____T  Ano naman kaya ang ginagawa ko at lagi ko siyang binabadtrip?



"Ano bang dapat kong gawin para 'di ka na mabadtrip sa akin?" May magagawa pa kaya ako? Or hate na niya ako forever?



Napatigil siya sa pagdidikit ng chechebureche sa house model namin. Napatitig siya sa akin ng matagal at para bang ang lalim ng iniisip niya.



"Don't entertain your admirers." Napasimangot ako sa sinabi niya. What? Ano naman ang kinalaman ng mga admirers ko sa pagka-badtrip niya sa akin?



"Huh?"



"You heard me, Porsche." Gumawa na siya ulit. "Masama 'yang ginagawa mo."



"Anong masama?"



"Na ine-entertain mo sila kahit ako lang naman talaga yung gusto mo. Diba? Parang pinapaasa mo sila. Masama 'yun."



"Tss. Di naman porket gusto kita ay sayo na dapat umikot ang mundo 'ko.." Wala naman kasi akong pag-asa sa'yo. "At hindi ko naman sila pinapaasa."



He shrugged, "Bahala 'ka. Lagi akong mababadtrip sa'yo."



Bumusangot lang ako. Nakakainis! Okay! Masama bang tanggapin yung binibigay ng mga admirers ko? Hindi naman diba? Blessings 'yon eh, hindi dapat tinatanggihan.



And why is he reacting that way? Hindi ko lang magets. Badtrip siya kasi may mga admirers ako na ineentertain ko? And so? May dapat ba siyang ikagalit? Hindi ko magets. Hay nako. Nakakagulo nga talaga ng utak 'tong si Callixte.


I sighed heavily, "Kahit naman siguro anong gawin ko ayaw mo padin sakin." Mahinang sabi 'ko.



Napatingin siya sa akin pero binalewala niya lang ako. Biglang pumasok si Tita Marga at dinalhan kami ng midnight snack, tutal 12 na rin kasi ng madaling araw.



"Kumain muna kayo at magpahinga. Porsche, dito ka ba matutulog?" Tanong ni Tita Marga habang nakangiti.



"Ah, hindi po. Magpapasundo po ako maya-maya lang din sa driver 'ko."



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon