Kabanata 23: Escape

84.2K 3.5K 340
                                    

Nanatili ako sa kwartong inuukupahan ko ng ilan pang minuto bago tuluyang tumayo. I even activated my hearing senses. Sa lawak ng kayang abutin nito ay halos marindi na ako sa ingay na naririnig ko. Lahat ay excited sa magaganap na ball.

I looked at the wall clock. 10 minutes to go at magsisimula na ang Grand Ball ng Tereshle Academy. Dahan-dahan na akong tumayo sa pagkakahiga.

Wala naman akong nararamdamang sakit ngayon, well, physically wala.

Pinakiramdaman at pinakinggan ko muna ang paligid. I closed my eyes. I'll make sure na nasa hall na ang lahat bago ako umalis sa kwartong ito. Footsteps. Chattering. Laughter. Napangiti ako ng mapakla sa mga naririnig ko.

How I wished na di nalang ako nakaalala pang muli. I want to be the same reckless Athea Magnus. I want to be the same girl from Zhepria that belongs to the Randus people. Pero hindi, e. The moment na nagbalik ang alaala ko, dun nagtatapos ang happy go lucky na pagkatao ko. Yung babaeng gagawin ang lahat ng nais niya. Yung babaeng kayang magdesisyon para sa sarili niya.

I sighed.

After all, I'm still the heir of Zhepria. I have responsibilities. But hell! I hate responsibilities! That's the main reason why I build walls around me. Ayaw kong may mapapalapit sa akin dahil feeling ko magiging responsabilidad ko sila if ever na mapasok nila ang sistema ko.

Napailing pa rin ako. Now, I'm a two person. Feeling ko dalawa ang may-ari ng katawang mayron ako. Si Sophia na sobrang bait at si Althea na may pagka-war freak!

I opened my eyes nong nasiguro kong clear na ang paligid.

Time to go, Althea.

I activated my second ability and summon my wind. In an instant, nasa kwarto na ako namin ni Rhea. Agad akong nagpalit ng damit para maka alis na ako sa lugar na to. Yes. That's my plan. To leave this place. To leave Tereshle Academy. To leave everything I have now. I don't belong here. Or anywhere. I don't belong in every place here in Tereshle.

I'm lost. And I need to find myself. I need to find it before I'll lose my mind here.

Gamit ang isang backpack, nilagay ko ang ilang kakailanganin kong gamit. Mabilis ang kilos ko. Damn, hindi ko alam pero tila kinakabahan ako sa ginagawa ko.

Noong masiguro ko nang sapat na ang mga gamit na dadalhin ko ay naupo ako sa kama. I sighded. Trying to calm myself down. Kanina ko pang napagdesisyunan ito. I need to go. I really need to leave. Natatakot ako sa mga nalaman ko. Ayaw kong magalit sa mga taong nasa paligid ko pero ang sakit kasi. It pains me so damn hard. I trust them but they lied and betrayed me. As if they don't want me to be with them. Malabo parin sa akin ang dahilan ng ama ko kung bakit pinabura niya ang alaala ko. I need to know it for myself. I need to find answers on my own.

Kumuha ako ng papel at ballpen para mag iwan ng sulat kay Rhea. Kahit papaano ay naging mabuting kaibigan ko ang isang yun. Baka mabaliw lalo yun pag nalamang nawala na lamang ako na parang bula.

'Stay safe. I'll be back before you know it. - Althea.'

I bitterly smiled. Emotions. Here we go again.

"Come on, Althea. Hindi ikaw si Sophia ngayon! You need to go. Wag kang mahina!"

Pangangaral ko sa sarili ko.

Pinulot ko ang backpack ko at isinuot iyon sa balikat ko. Ipinalibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid at malungkot na ngumiti muli. This is it!

Gaya ng ginawa ko kanina ay inactivate ko ang second special ability ko then I assumed my wind. I immediately closed my eyes and when I opened it, nasa main gate na ako ng Tereshle Academy.

Napatingala ako sa taas nito. Gaya nong unang araw ko dito ay talagang namangha ako sa ganda nito. Little did I know, I was a former student here. I was one of them. And Master Sheprid? He's my first teacher.

"Where do you think you're going?"

Nanlamig ako noong marinig ko ang baritong boses niya. Shit! Napahigpit ako sa hawak kong bag na nasa likod ko. Not now, Sean. Not now. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Nakatalikod pa rin ako sa kanya kaya di ko makita ang itsura niya. Idagdag mo pa na madilim ang bahaging ito ng Academy. Paano niya ako natugpuan sa lugar na ito?

"I'm asking you, Sophia. Saan ka pupunta?" Tanong nito na kinainit ng ulo ko. Napangiwi ako at bigla akong napaharap sa kanya.

"Hindi. Ako. Si. Sophia." Mariing sabi ko sa kanya. I looked at him. And hell, he's all dressed up! Right, Tereshle Academy's Grand Ball.

Nagkatitigan lang kaming dalawa. Walang nagsalita.

I sighed.

I need to leave.

Now!

Agad akong gumawa ng wind barrier sa pagitan naming dalawa. Kita ko ang gulat ni Sean sa ginawa ko.

"Althea! Ano bang ginagawa mo?" iritang tanong nito sa akin. Umiling lang ako sa kanya.

Matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa ko ngayon. I want to hug him. Sean is Sophia's safe zone. But not me. Not Althea Magnus. I'm sorry Sean.

"Althea. Stop this. Please." He pleaded.

"I need to do this, Sean," mahinang turan ko dito. Damn, nanghihina ako.

"Bullshit!"

Napatalon ako sa lutong ng mura niya.

"Aalis ka? Ganoon? Mawawala ka na naman?" Galit na tanong nito sa akin. I can feel his anger, frustration and pain. I'm sorry, Sean.

"Sean, hindi na ako sa Sophia. Wala na si Sophia. Ako na si Althea Magnus. At ang isang Althea Magnus ay di nababagay sa lugar na to," mahinang sambit ko na siyang ikinailing nito. Like he's not buying every words I'm saying right now.

"I can't believe you!" bulalas nito

Sorry, Sean. I'm really sorry.

I sighed.

'Sorry, Sean.'

I mouthed to him. Kunot-noo niya akong tiningnan sa kabilang bahagi ng wind barrier ko. I immediately swung my right hand to attack him. Wind blades! Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Sean. Mukhang di niya inaasahan ang atake.

This is my only choice. Alam kong di ako makakatakas kay Sean. I reaally need to do this.

"Damnit, woman!" rinig kong bulalas ni Sean.

Di na ako nagdalawang isip pa.

Last glance.

Tiningnan kong maigi si Sean. Panay iwas niya sa wind blades na pinapaulan ko sa kanya ngayon.

I caught his stare, deadly stare. And for the first time in my ten years of being Althea Magnus, I manage to smile. A genuine smile.

"No!!!" sigaw ni Sean sabay labas ng attribute niya sa mga kamay niya. Too late, Sean. Too late.

I immediately activited my second special ability and summon my wind. And just like that, I manage to escape from Sean Miller.

Napaluhod ako dahil bigla akong nanghina. I looked at the surrounding. I'm here. Again.

Kung si Sean ang safezone ni Sophia. Ang Mount Zenda naman ang safezone ni Althea. At nandito ako ngayon. Cause I am Athea not the long lost Princess Sophia.

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon