Chapter 29: The Visitors

249K 8.9K 2.2K
                                    

Chapter 29: The Visitors

Soundtrack: Paralyzed – Against the Current



I woke up to the light from the window that kissed my skin. I felt its warmth slowly creeping in my almost numbed flesh. But it never helped the pain I started to feel in my head. I was sure I'd gotten weaker this morning than the other days I had. Ugh. Last night. It was probably because of last night.


Sapo ang ulo ay dahan-dahan akong bumangon mula sa aking kama. Agad kong tinungo ang refrigerator upang kumuha ng tubig at saka bumalik sa direksyon ng aking higaan at huminto sa tapat ng nakabukas na bintana. It was definitely hotter here compared to the other side of the sea. Mas maraming tao sa palagid at mas malakas ang ingay na sa bawat sandali ay naririnig. Isinara ko ang bintana upang manaig ang lamig na nanggagaling sa air conditioner ng silid nang bigla akong mapatigil upang ilibot ang paningin sa paligid. Nag-iisa lang ako. Nasaan na sila? Agad na nahagip ng aking mga mata ang isang maliit na papel sa desk na kanina ay hindi ko napansin at agad iyong kinuha.


'I have a terrible headache and the sea is the cure.'


Napailing ako. Paanong ang isang Reaper na tulad ko ay hindi namalayan ang kanilang pag-alis? I think the alcoholic drink reduced my alertness. It made me vulnerable. I couldn't imagine what would happen if something unexpected occurred. I should never drink such poison again. Agad kong binuksan ang maliit na cabinet kung saan namin inilagay ang aming mga kasuotan at kinuha ang kulay itim na pares ng swimwear at shorts. I shrugged as I went to the bathroom. Maybe the sea can actually cure this headache.


It was already nine when I decided to step out of the Vinea. I walked towards the sandy back of the hotel and found the beach. There were already people swimming at the sea while the others were just lying on the sand or resting on some drink bars. That was where I saw Summer drinking mango juice while talking with Ethan. She really looked attractive in those blue bikini top and shorts.


Naglakad ako tungo sa kanilang direksyon at nang matanaw nila ang aking pagdating ay tila ba nakakita sila ng multo at napako sa kanilang kinatatayuan. A ghost in the beach? Walang imik na dumiretso ako sa kanila at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Summer. Nararamdaman ko rin ang mga pares ng mga matang nakatingin sa aming direksyon.


"Do you have any idea how people were dazzled by your annoyingly graceful, effortless normal walk?" Seryosong taong ni Summer nang makaupo ako. Walang bahid ng tuwa o inis sa kanyang ekspresyon. Nanatili lang itong seryoso at nakatingin sa akin.


"I'm used to it," seryoso ko ring sagot na hindi man lang tinapunan ang paligid upang kumpirmahin ang sinasabi niya.


Sumimangot sya at saka bumaling kay Ethan na tahimik lang na nakatingin sa akin. "Look at this dog here drooling over you," wika niya dahilan upang agad bawiin ni Ethan ang tingin sa akin.


"You're not bad yourself. Flaunting your body like that, he probably couldn't move an inch from you," komento ko. Pareho naming itinuon ang pansin kay Ethan at nakita namin ang agad na pamumula ng kanyang mga pisngi.


"Well, this is one of the most uncomfortable situations I've ever been. And the best move, for now, was to get you, ladies, some cold drinks," pormal niyang wika at agad na umalis sa kinatatayuan.

Snow White is a Gangster (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon