MPML Book 2 (50)

3.9K 98 13
                                    


"Good morning, Ms. Briones." Bati sakin ng mga estudyanteng nakakasalubong ko sa paglalakad ko sa hallway.

"Good morning." Nginingitian nila ko kaya nginingitian ko din sila.

Maganda ang gising ko kanina kaya pakiramdam ko ang aliwalas ng mukha ko habang hinahangin hangin yung buhok ko habang naglalakad. Hindi ko kasabay pumasok si Andrea ngayon dahil mas nauna sya saking umalis ng bahay. May kitaan daw sila ng mga kablockmates nya kaya hindi ko na sya hinarang hinayaan ko nalang, nagpaalam naman sya sakin. Paakyat na ako ng hagdan ng bigla namang may humila sakin.

"Cha, I need your help." Hila hila ako ni Jess papunta sulok ng hagdan.

"Dahan dahan naman uy!" Nakatakong ako tapos kinakaladkad nya ko, lakas makasira ng outfit.

Hingal na hingal sya ng makarating kami sa sulok. Pinunasan ko pa yung noo nya dahil pawis na pawis sya pero hinawakan nya yung kamay ko habang lumilingon lingon sya sa likod nya.

"Huy, ok kalang ba? Ba't tingin kanang tingin sa likod mo, may humahabol ba sayo?" Imbes na sumagot sya sa mga tanong ko, tinulak pa nya papasok ng Male's Bathroom.

"Oy! Mamaya may makakita satin dito!" Tinangka kong lumabas pero nilock nya yung pinto.

"Irene is here, Cha! Nandito sya sa campus!"

"That's nice! Halika batiin natin!" Hinawakan ko yung doorknob pero hinarangan nya ko.

"Cha, hindi pwede! Hindi ako pwedeng magpakita sakanya! Malamang sa office ko didiretso yun, itago mo muna ko sa office nyo ni Yuji please?" Nagpuppy eyes pa sya habang naka-amen naman yung dalawang kamay nya na parang nagmamakaawa.

I crossed my arms and stared at him.

"May ginagawa ka na naman no? Nasaan si Travis? Malamang magkasabwat na naman kayong dalawang unggoy kayo."

"Hindi! Hindi kasama si Travis dito, ano kasi.." Nakayuko sya habang pinipindot pindot nya yung palad nya na alam kong palatandaan ko yun sakanya pag may ginawa syang mali na ayaw nyang aminin.

"Kasi ano? Sabihin mo na pano kita tutulungan nyan kung maglilihim k--"

"Buntis sya!"

Kung kanina nakacrossed arms ako, ngayon nakapamewang na ko habang tinitingnan sya.

"At tatakbuhan mo sya ganun ba?" Tanong ko.

"Ayoko pang maging tatay, Cha! Ang bata ko pa!" Sa sinabi nyang yun, para namang na-set sa automatic yung kamay ko para batukan sya.

*PAK!*

"CHAAA!" Nakahawak sya sa ulo nya habang sumisigaw sakin.

"Pasalamat ka di-zipper pa 'tong suot kong sapatos kundi ito yung hinampas ko sayo! Anong bata kapa pinagsasabi mo? 36 kana, gurang kana! Tamang edad na yon para magkaroon kanang sariling pamilya tapos tatakbuhan mo pa?!" Para kong nanay na  nanenermon sa anak nya.

Well, nanay naman na talaga ako pero kaibigan ko 'tong sinisermunan ko.

"May anak na 'ko, may anak nadin si Penny at Travis, pati rin si Yuji may anak na sa pinsan mong si Maxine. Lahat kami may mga anak na, mga magulang na, ikaw ano na? Napagiiwanan kana, Jess. Puro ka lande. Nagbubuhay binata ka, oo pwede mong gawin yan noon dahil wala ka namang anak sa iba pero ngayon meron na!" Nakasandal sya sa pader habang tinatalakan ko sya ng may mabilis na kumakatok sa pinto.

"Pabukas! Naiihi na ko!!!" Sa boses palang malamang estudyante yun.

"OUT OF ORDER DITO! DUN KA SA TAAS MAGBANYO!" Nagulat naman si Jess sa pagsigaw ko ng malipat naman sakanya yung tingin ko.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon