Chapter 14.

9.2K 423 98
                                    

CHAPTER 14.


Nagsimula ang laban nila Callixte. College of Engineering vs Faculty of Science. Sobrang tindi ng laban! Ang first 5 ng team namin ay si Callixte, Romeo, Miggy, Paolo at Jake. Sobrang galing nila pero laging hinahabol nung Martin from Faculty of Science ang score nila.



"GO CALLIXTE! GO CALLIXTE! GO GO GO CALLIXTE!" Full force kong sigaw kahit alam kong 'di niya naririnig.



Nang mag time out, lumapit samin ang players since dito naman talaga kami pumwesto sa area nila. Inabutan ko agad si Callixte ng tubig at hindi niya tinanggap iyon. GALIT NGA!



"Uy Callixte. Bati na tayo! Sorry na kung ano na naman ang nagawa ko. Oh ito, water." Pangungulit ko sakanya.



"I don't drink water when I'm playing, I drink sting." Pinakita niya sa akin ang pula na energy drink niya. Oh! Iniinom din yan nila Ivy kapag pe!



"Meron ka pa bang ganyan?" I asked. Kasi isang lagukan niya lang yung sting.




"Magpapabili nalang ako sa water boy namin." Aniya at hindi padin ako tinitignan.




"Galit ka ba sakin?" I asked.



"Oo." At tinignan niya ako. "Unless you kiss my cheeks again."



"Hala! Ang landi ng dalawang 'to oh!" Ivy said at humalakhak.




"Uy kiss daw Porsche! Kiss!" Pambubugaw naman ni Aiko.




"Ayieeeee!" Asaran ng mga nasa bleachers at pati ng mga blockmates namin. HALA SHET NAKAKAHIYA. "Kiss na yan oh!"




"Ano ka ba? Nakakahiya. Ang daming taong nakatingin." Sabi ko naman.




"Okay" expressionless niyang sabi at tumayo na para kausapin ang coach.



I sighed heavily. Parang yun lang? Atsaka.. Bakit ba siya humihingi ng kiss? Boyfriend ko ba siya? Girlfriend niya ba ako? Playboy talaga siya!




Nagsimula na ang 2nd quarter. Nagpaalam ako kina Ivy at Aiko na may bibilhin lang ako at lumabas na.




Bumili ako sa ministop ng tatlong sting. Gawin ko na kayang apat? Oo tama, apat nalang. Binili ko na iyon at tumakbo pabalik sa gym....




... Pero nangyari nanaman yung kinatatakutan ko.




"Erica?" May kasama pa siyang isang babae. Napalunok nalang ako at napa-atras, i know what they're planning.




"Porsche akala ko mabait ka. Malandi ka rin pala e noh? Huh? Why are you flirting with Callixte?!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sigaw niya.



"Erica diba wala na naman kayo? At hindi ko naman siya nilalandi." Depensa ko sa sarili ko.



"Tuluyan kaming nagbreak dahil sa'yo! You little bitch, kaya ka pala binugbog nila Nadine, e. Deserve mo naman pala!" And there, she slapped me.




"Subukan mo lang mag-sumbong, at talagang sisiguraduhin 'kong hanggang sa labas ng school ay aabangan ka namin." Sinabunutan ako ng isang babaeng hindi ko kilala.



Umiyak nalang dahil hindi ko alam ang gagawin ko. I have big trauma when it comes to violence. Kapag may sumisigaw, o nagagalit sakin, o may nagtatangakang saktan ako, nanghihina ako. Yung feeling na gusto mo manlaban pero nanghihina ka? Ganun yung nararamdaman ko sa t'wing may nananakit sa akin.



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon