Chapter 3: Deal

87.6K 1.3K 201
                                    

Chapter 3: Deal

I’ll make you a deal. Itu-tutor kita sa Math, kung ipakikilala mo ako kay Joana.

 

So may gusto itong lalaking ito sa pinsan ko? Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang marinig ang sinabi niya. Eh sino ba namang hindi? Maganda si Joana. Mabait, palangiti, matalino. Nang magsaboy ata ang Diyos ng blessings, siya ang nakasalo ng lahat.

Papayag ba ako? Madali lang naman ang pinapagawa niya. Ako din ang pinakamagandang chance niya para makilala niya si Joana. Close kami nun eh. Isa pa, kailangan kong makapasa sa Math. Wala din namang mawawala sa akin kapag pumayag ako.

“Ipapakilala mo lang naman ako,” tuloy niya. “Tuturuan naman kita sa Math ng buong grading, iyon lang.”

“Payag ako.”

“Ganon kabilis?”

“Oo. Bakit, gusto mo pa bang pag-isipan ko ng mabuti? O baka naman nagsisisi ka na kasi ako ang napili mong ipakilala ka kay Joana?”

At nagbalik nanaman po tayo sa cold-shoulder treatment.

Religion time.

“Kamusta naman ang mga alaga ninyo? Buhay pa ba?” tanong ni Sir Reyes. Napatingin tuloy ako kay King. 'Di ko alam kung namamalik mata ako o nakita ko talagang ngumiti ng konting-konti si King. Naalala siguro yung nangyari kaninang umaga.

“Ngayon, tapos na ang unang step sa pag-aalaga ninyo. May pangalan na sila. At dahil doon, kailangan ninyong tratuhin iyan na parang tao din. At ano ang isa sa mga pangangailangan ng tao? Bahay. Next week, kailangan mayroon nang tinitirahan ang inyong alaga. Maliwanag ba iyon?”

“Yes, sir.” Sabay-sabay na sabi ng mga estudyanteng halatang inaantok na.

Gusto kong kausapin si King tungkol sa kung paano namin gagawin ang bahay ni Chi. Baka kung anong come-back nanaman ang ibigay sa ‘kin. Ipagpapaliban ko na muna siguro.

Uwian na. Nag-aayos pa ako ng gamit ko ng tumayo na si King at uuwi na.

“Saan ka pupunta?” pagpigil ko dito.

“Uuwi na. Hindi ba halata?”

“Eh paano yung bahay ni Chi?”

“Edi ako na lang ang gagawa.”

Siya ang gagawa? Naloloko na ba siya?!

“Naloloko ka na ba? Matapos ng ginawa mong prank kanina, sa tingin mo ba pagkakatiwalaan pa kitang gawin yun? Hindi, hindi ako papayag. Ako na lang ang gagawa.”

“Kayo mo ba? Eh baka wala ka namang alam sa woodwork eh.”

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon