Chapter 35

547K 14.3K 10.9K
                                    

Chapter 35


Hindi ako makapagsalita sa tindi ng tensyon sa loob ng hospital room na ito. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin..hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko na alam kung anong maaaring mangyari.

Bakit kailangan pa nilang magpang abot dalawa? Bakit kailangan pa nilang magpunta dito? Bakit naiipit na naman ako sa ganitong sitwasyon? Bakit kailangan nandito ang presensiya nilang lahat?

Sa nakikita ko sa pagitan ni Ashong at Nero, alam kong walang may balak magpatalo sa kanilang dalawa. They will definitely kill each other.


"Pinapaalala ko po, nasa loob tayo ng hospital. Wala tayo sa boxing ring" babala ni Dr. Thomas na pumagitna sa pagitan ni Ashong at Nero.


"Kung gusto niyong mag away at magbasagan ng mukha, huwag dito sa loob malawak ang labas" singit naman ni Gio

Wala man lang gumagalaw sa kanilang dalawa, nananatili pa rin ang titigan nilang dalawa na akala mo ay kayang makapatay sa isa't isa. Hindi umaalis ang magpipinsang Ferell sa tagiliran ni Nero para sa anumang kilos na maaari niyang gawin.

Samantalang si Gio at ang mga kaibigan niya ay nasa panig ni Ashong para mapigilan din ang maaaring gawin nito.


"Nero, ayoko na ng gulo. Umalis ka na" seryosong sabi ni Ashong na lalong nagpaigting ng bagang ni Nero. Kita ko ang sabay na paghawak ni Aldus at Troy sa braso ni Nero na marahas lang nitong pinagtatabig.

Gusto kong magsalita at patigilin ang nabubuong tensyon sa loob ng kwartong ito pero ni lakas para magsalita ay wala ako.


"Why would I? Hindi ikaw ang pinunta ko dito, tumabi ka. Hindi ko makita si Florence.." nanatiling nakaharang sa akin si Ashong.

Naramdaman ko ang mariing paghawak ni Sapphire sa aking mga balikat.


"Tama na 'yan. Kailangang magpahinga ni Florence..kung anumang gusto niyong gawin ay sa labas nyo na ituloy" sabat ni Sapphire na parang hindi man lang narinig ng mga kalalakihan sa loob ng kwartong ito.


"Come on Nero..let's go" pag anyaya sa kanya ni Aldus. Muli niyang tinabig ang kamay ni Aldus at pinagpatuloy niya ang pakikipagpatayan ng tingin kay Ashong.


"I'm the fiancé Nero, hindi ko gustong nandito ka" mariing sabi ni Ashong. Napapapikit na lang ako sa batuhan nila ng salita. I want them to stop. Kung hindi ko agad patitigilin ang nangyayaring ito, hindi lang titigan ang maaaring mangyari sa kanilang dalawa.

But how? I'm totally hopeless, parang umurong na ang dila ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magsalita. Alam kong kung magsasalita ako may isa sa kanilang masasaktan.


"Niloloko mo lang ang sarili mo Ashong, alam kong alam mo ang tunay mong posisyon sa atin dalawa" ngayon naman ay si Ashong ang mahigpit na hinawakan ni Kuya Nik at Gio dahil sa bahagyang paghakbang nito.


"Damn! Hospital ito! Tumigil na kayo!" sigaw ng kaibigan kong si Camilla na hindi na kinaya. Pero ito na naman at mukhang bingi na ang lahat ng mga lalaki sa loob ng kwartong ito.


"She needs to choose then, nang malaman natin kung sino ang dapat lumugar sa ating dalawa" matapang na sabi ni Ashong na mas lalong nagpatahimik sa aming lahat.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon