Chapter 20

2.8K 120 35
                                    


Chapter 20 - Going Greek


It goes on for days.

Tuwing break time, pupuntahan ni Jiesel si Orange para 'mag-practice' sila. Routine niya na rin yata na batiin si Orange sa umaga, ngumiti at mag-wave kapag nagkakasalubong sila. While Orange will greet her back, and will even try to smile back! Geez, ako nga hindi niya nginingitian, eh!

Ang sarap manakit!

May one time pa, pumasok si Orange na may pasa sa cheekbone, kung makatanong at makapag-alala si Ate Gurl, akala mo girlfriend! Kagigil! Kaunti pa, mahahablot ko na ang buhok niya!

Ngayon nga kami lang ulit ang magkasama ni Miles dahil kasama na naman ni Orange si Jiesel. Papunta kaming cafeteria kahit halos kakakain lang namin ng lunch. Nakakagutom pala magigil at ma-biwisit. Nag-volunteer si Miles na samahan ako dahil mukha daw akong susugod sa gera. Ganito lang talaga ako kapag gutom, at kapag nayayamot.

Ilang araw na nga akong bad mood, nakikisabay yata ang kalangitan dahil ilang araw nang maulan. May bagyo yatang parating. Sobrang lamig tuloy sa room palagi.

Papasok na kami sa cafeteria nang makita ko si Orange at Jiesel na naglalakad, at magkasukob sa iisang payong! Si Orange ang may hawak sa payong, at syempre sobrang lapit nila sa isa't isa! Bakit sila ang kailangang magkasukob?! Kami nga ni Miles naghiram pa sa classmates namin ng payong para tigisa kami, eh!

Medyo na-relax ako dahil hindi naman nakahawak si Orange kay Jiesel, sa payong lang talaga. Pero pinagtitinginan sila ng mga tao, at nagbubulungan pa!

"Is that Tyler and Jiesel?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Miles. "Under one umbrella?" Hindi ko alam kung nang-iinis siya o ano, pero nakangisi na naman siya.

"Talaga ba? Akala ko dalawang ungggoy na naglalakad."

Tumawa siya ng malakas. Bentang-benta talaga mga jokes ko dito kay Miles, eh. "Kuhang-kuha mo ang expression ni Tyler kapag nanggagalaiti na sa galit. Para kayong sasabog na bulkan." Hinawakan niya 'ko sa balikat, "Relax ka lang, Ali ah. Baka bigla ka na lang manugod."

Ngumiti ako ng matamis. "I am relaxed, Miles. Why wouldn't I be?"

Kapag ako bumili ng payong, ibibili ko rin silang dalawa! Kahit tig-sampu pa ng wala nang sukob-sukob! Kabwisit!

Hindi na rin kami tumuloy sa cafeteria dahil nawala na gutom ko. Lalo lang akong nanggigil.

"Pwede bang pasuntok, Miles? Isa lang."

"Bakit sa'kin? Kay Tyler na lang mamaya. Baka mabali buto ko." natatawang tanggi niya. "Relax ka pa ng lagay na 'yan ah?"


English namin.

Tabi na naman 'yong dalawang unggoy. Isang orangutan at isang chimpanzee. Hanggang ngayon ba naman, hindi pa sila tapos? Gaano ba kahaba ang presentation nila? Hindi naman nobela ang Pygmalion at Galatea!


Uwian.

Akala ko mahihiwalay na si Chimpanzee, but there she goes again with her pabebe tone.

"Tyler! Uuwi ka na?"

Ako ang sumagot, "Bakit? Sasabay ka?"

Tumawa naman ng pabebe si Chimpanzee, "Hindi! Ano ka ba, Moretta. Magp-practice lang kami."

Tawa-tawa pa, hindi naman pinapatawa. At anong Moretta?! Bakit siya nakiki-Moretta?! King inang 'to ah, makakatikim na sa'kin 'to.

Tinakpan ni Miles ang bibig niya, nagpipigil ng tawa. Problema nito? Ilang araw ng maligaya! "Here comes the volcano." Narinig ko pang bulong niya.

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon