Chapter 36

560K 14.6K 7.4K
                                    

Chapter 36


Troy Ferell


Kasalukuyan kaming nakapamaywang magpipinsan sa harap ng bar habang nakatingala sa pangalan nitong umiilaw ilaw.


"Papasok pa ba tayo? Baka ipatapon na naman tayo. Pang apat na bar na ito" bahagya kong hinawakan ang pisngi kong tinamaan ng suntok kanina.

Tama, pang apat na bar na ito, bakit? dahil napapaaway lang naman kaming magpipinsan sa tuwing may bar kaming papasukin. Ano ang magandang dahilan? Ang brokenhearted na si Nero.


Sa unang bar may bigla na lang siyang sinuntok na lalaki at mabilis lang naman niyang hinalikan ang kahalikan nitong babae. Ewww.

Sa pangalawang bar, pinagbabasag niya ang mga baso at bote. May itinaktak lang naman siyang mukha ng lalaki sa stool bar.

Pangatlo may babae lang naman siyang nakita na may tattoo sa tiyan at kung ano ano ang pinagsasabi niya dito hanggang sa masuntok siya ng boyfriend.


Dahil kami ay mga supportive cousins. Hindi namin hahayaan na mapatay si Nero kaya nakikisuntok at sipa din kami. Sa kasamaang palad ay nadadaplisan pa din kami. Tsss.

Sa unang bar pa lang lasing na lasing siya. Iba talaga ang tama nito kay Doll. Tulala siya ngayon sa pangalan ng bar sa itaas na may ilaw na patay buhay.

Pinabayaan muna namin siya habang kaming apat dito ay nag uusap ng matino.


"Tang ina, masakit na ang katawan ko. Manggugulo lang diyan si Nero" reklamo ni Aldus na minamasahe ang kanyang batok


"Gago! Kaya tayo may girlfriend, magpapahilot ako kay Nicola bukas.." napangisi na lang ako sa ideya ni Owen. Masarap 'yang naiisip niya.


"Nice, nice. May utak ka rin pala Owen" sagot ko na lang. Buti sana kung pumayag si Laura? Bahala na.


"Paano si Nero? Walang hihilot, kawawa naman" hindi ko alam kung nagbibiro na ba siya sa tono niya o ano? Bakit laging tamad na tamad siya sa buhay? Pati boses niya tamad na tamad na rin.


"HUWAG ka ng magsalita! Masama pa ang loob ko sayong gago ka!" sigaw ko sa walang hiyang pinsan ko. Bakit hindi ko alam na humihinga pa ang gagong ito?! Hindi biro ang dasal at rosaryo ko sa kanya. Damn! I even cried!

Alam kong hindi ito ang oras para pag usapan namin ang kanyang muling pagkabuhay pero hindi ko pa rin maiwasang mag isip, bakit parang hindi man lang naguguluhan ang mga pinsan ko? Bakit ako lang ang mukhang gulat na gulat sa biglang paglabas niya. Bakit ngayon lang siya nagpakita? Papaano siya nabuhay? Kitang kita ng mga mata ko! Siya ang nasa kabaong. 

May hindi na naman ba ako nalalaman? Oh well. Hindi na ako nasanay.

We Ferells are full of secrets. 

Mamaya ko na ito iisipin. Si Nero ang malaking problema namin ngayon na kasalukuyang nakatulala pa rin sa patay buhay na ilaw. Bakit nang brokenhearted ako, hindi ako nagkaganyan?


"Gago ka Troy. Magkausap lang tayo kagabi" maiksing sagot niya sa akin. What the fuck? Kailan kami nag usap? Ngayon ko lang siya nakita.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon