Chapter 9

206K 4.2K 266
                                    


        Hello! Sensiya na kung medyo natagalan ang pagbalik ko sa chap na to. Medyo nalilito kasi ako. Iba na kasi yung edited manuscript sa wattpad version. Itong chapter nine sa books chapter 11. Hindi ko makita lumang MS. Kaya kung may hindi tugma sa character dedmahin niyo na lang. May dadag character kasi sa book version and add scene. 

BTW: May scene akong hindi isasama dito para naman kung may bibili ng books hindi naman lugi, pero more on bed scene lang naman at hindi maapektuhan ang buong story. Thank you!


____

        "'MORNING," bati ni Red kay Rostov na abalang inaayos ang pagkain na dinala mismo ni Nana Julieta at Dara para sa almusalan nila. Sa Veranda niya ipinahanda ang pagkain. Nakaharap ito sa karagatan at mas masarap mag-almusal rito dahil sa magandang view at sariwang hangin.

Nilingon niya si Red. "Good morning, baby, let's have breakfast." Sinalubong niya ito ng isang chaste-kiss. Pinaghila niya ng upuan si Red. Umupo ang dalaga at siya naman ay umupo sa kabilang bahagi. Isang pares ng summer white cotton top and short ang suot nito. The halter top is an abstract floral embroidery in pastel blue at ang paikot ng waistband ng maiksing short nito at may burda rin. Napapatungan iyon ng white long sheer summer vest.

"You woke up early, bakit hindi mo ako ginising? 'Di sana natulungan kita sa paghanda ng almusal," ani Red. Kumuha ito ng isang toast at pinahiran ng butter. Inabot ni Rostov ang percolator at sinalinan ng kape ang tasa ni Red.

"Ang himbing ng tulog mo, eh. Saka pinadala lang ito ni lola kina Nana Julieta." Inilagay ni Red ang toast sa platito ni Rostov at muling kumuha ng toast at muli ay pinahiran ng butter.

"Talaga? Ang bait talaga ni lola. Minsan tuloy nagi-guilty na ako sa ginagawa natin." Bigla ang paglungkot ng mukha ni Red. Agad niyang ginagap ang kamay nito na nasa ibabaw ng mesa.

"Don't. Napapasaya mo naman si lola, eh. Red, iba ang saya ni lola simula nang dalhin kita rito."

"Tingin mo dahil sa 'kin? Maybe dahil sa 'yo, dahil hindi ka na umaalis dito."

"Dahil sa atin. And I wouldn't stay longer here if not because of you."

"Rostov." Tila gulat na usal ni Red. Rostov inwardly winced and his lips curved upward nang mapagtanto ang pinagsasabi niya.

Napatingala siya at bigla na lang natawa. Shit! He couldn't imagine he could hear those words from him. I wouldn't stay longer here if not because of you. Paulit-ulit niyang naririnig ang sariling sinabi. Kailan pa ba niya isinasaalang-alang ang nagiging desisyon niya dahil sa ibang tao? Maliban sa kanyang lola ay wala na. At ngayon ay sinasabi niya kay Red ang gan'on. It was as if na mananatili siya sa lugar na ito kung kasama niya lang si Red. Naiiling habang natatawa pa rin siya.

"Would you mind telling me if what is funny para tumawa ka nang ganyan?" Marahang angil sa kanya ni Red.

"Sorry, sorry.." marahan niyang kinusot ang ilong at tumigil sa pagtawa pero hindi na napalis ang ngiti sa labi.

"I meant what I said."

"How could I believe you pagkatapos mong tumawa." Padabog nitong kinuha ang tasa ng kape at walang kaabog-abog na ininom iyon.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon