Chapter 37

536K 15.4K 3.8K
                                    

Chapter 37


Aldus Ferell


Pakiramdam ko ay nagpupunta na naman sa ulo ko ang lahat ng mga dugo ko sa katawan. Bakit biglang bumabagal na naman ang bulok na sasakyang ito ni Owen? Nakakagago na. Hindi birong magtulak ng sasakyan lalo na at depressed pa ako sa mga pangyayari.

Napamura na lang ako sa hangin nang tuluyan nang tumigil ang sasakyan namin. Kung hindi lang si Owen ang driver ngayon ay nagpagsuntok ko na siya ngayon. Ano ang problema niya at ng sasakyan niya? 


"Tang ina! Ano na naman? Ayoko ng magtulak" naunahan akong magreklamo ng tagapagmana ni LG.

Bakit tagapagmana ni LG ang tawag namin kay Troy? Isa lang ang magandang paliwanag. Siya lang naman sa aming magpipinsan ang kamukhang kamukha ni LG noong kabataan niya kaya siya ang paboritong paborito ng matanda. Paborito sa lahat ng larangan, paboritong murahin, paboritong utusan, paboritong ikwento sa kanyang mga kaibigan sa kalokohang pinaggagawa.

Sige siya na lang ang paboritong apo, masaya pa kami sa mga buhay namin.


Si Tristan ay tulog na sa likuran, samantalang si Owen at Nero ay seryoso sa unahan.


"Gago, nasa harapan na tayo ng gate. Sarado" shit! Maalala ko nga pala. Walang bantay ngayon dahil linggo.


"Anong gagawin natin?" tanong ko na lang. Mukhang nahuhulaan ko na ang maaari naming gawin magpipinsan dito.


"Akyatin nyo na" mabilis na sagot ni Nero. Bakit hindi siya ang umakyat? Sa taas ng gate na 'yan. 


"Tang ina. Kami na naman? Ayoko na. Kayo na lang" mabilis na sagot ni Troy.


"Sige. Ako na" sagot ni Tristan mula sa likuran. Akala ko ba tulog na ang isang ito? Kung sa bagay, madali lang ito kay Tristan. Lumabas na siya nang sasakyan habang kami ay nanunuod sa kanya.


"Simpleng bagay lang 'yan sa gagong 'yan" pakinig kong sabi ni Nero. Hindi na kami nagulat sa mabilis niyang pagbubukas ng gate. Agad siyang sumakay muli sa likuran na parang walang nangyari.

Wala nang nagsalita sa aming magpipinsan hanggang sa makarating na kami sa harapan ng mansyon.


"Nasa akin ang susi" kinapa ko sa bulsa ko ang susi ng mansyon. Mabilis kong nabuksan ang pinto at agad kong hinanap ang switch ng ilaw.


"Ang ilaw Aldus!" reklamo ng mga pinsan kong nasa likuran ko.


"Binubuhay ko na. Saglit, huwag kayong mga atat" muli kong pinindot ang switch ng ilaw. Tang ina. Ayaw mabuhay! Anong problema ng switch na ito?


"Ano ba Adus?!" iritadong sabi ni Troy.


"Tang ina, anong date ngayon?" tanong ko sa kanila.


"January 30" mabilis na sagot sa akin ni Tristan. Halos mapasapo na lang ako sa aking noo. Shit! Malas!

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon