Chapter 19

38.8K 1.2K 268
                                    


Left's POV

Pagkapasok ko ng kotse sa garahe, pumasok na ako sa loob at nadatnan ko ang apat ng bugok na sumasayaw ng Trumpets. Para lang sila mga baliw.

"Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ko sa kanila at binigay kay maid ang bag ko. Dinala nya naman yon sa kwarto ko.

"Grabe purkit may yaya lang sya pati pagdala ng bag, inuutos pa." sabi ni Gia. Kumunot ang noo ko.

"Paki mo? sagutin ninyo tanong ko mga letche kayo at pakipatay nga yang tugtog!" inis na sigaw ko sa kanila. Mabilis naman na sinunod ni Jade ang utos ko.

"Chillax kaliwa, nakikiuso lang kami 'no." sabi ni Fin. Napairap ako at umupo sa couch.

"Oh please wag na kayo makisali sa mga Trumpets Challenges na yan magmumukha lang kayong tanga. Ako na nagsasabi." sabi ko.

"Sama mo naman." sabi ni Veron. Napa-smirk ako.

Napatingin kami sa pintuan nung pumasok si Kris.

"Alright! dumating na ang mga judges natin. Kris, dito ka lang at maki-judge kung sino ang pinakamagaling saming lima mag-trumpets." sabi ni Gia habang pinipilit na paupuin si Kris sa tabi ko. 

"Lima?" takang tanong ko. Subukan lang nila ako isama masasapak ko sila at palalayasin sa pamamahay ko.

"Yes, kasama si Nissan." agad naman kami napatingin ni Kris kay maid na nasa gilid namin. Kasali sya?

"Hoy wag nyong idamay sa kalokohan nyo si maid, mahawa pa sa kagaguhan ninyo yan." sabi ko.

"Ano ka ba? masaya 'to promise, nag-practice pa kami 'no." sabi ni Veron. Wow nag-practice pa sila eh mukha silang mga tangang sumayaw. Kahit na cheer dancer kami, minsan ang papanget sumayaw ang apat na 'to.

"Game na dali! Una ka Fin." sabi ni Jade. Tumango naman si Fin at humarap samin ni Kris.

"Kapag hindi ako nagandahan sa sayaw ninyo, umalis na kayo sa pamamahay ko." sabi ko nung umpisahin na ni Jade magpatugtog ng Trumpets.

Sumayaw naman si Fin at parang gusto ko tadtarin ng mura 'to si Fin. Bwisit lang! kung sumayaw para syang bakal na pinapalambot. Hindi naman ganito sumayaw si Fin pero hindi ko alam kung ano trip nya.

"Utang na loob lumayas layas ka sa harap ko Fin!" napa-facepalm ako dahil nasusura talaga ako sa sayaw ni Fin.

"Oh next na daw!" natatawang sabi ni Jade. Sya yung tagatugtog.

"Siguradong mapapanganga ka dito, kaliwa." sabi ni Veron. Napa-poker face lang ako.

Nung simulan ulit ni Jade magpatugtog sumayaw ng sexy si Veron at nang-aakit pa. Sira ulo din 'to eh hindi naman kami nito talo tapos nang-aakit sya? nagmumukha lang syang patay gutom na nakatingin sa masarap na pagkain.

"Pwede na ba ako pumunta sa kwarto ko?" walang kagana-ganang tanong ni Kris. Natawa naman ako sa kanya. Hindi lang pala ako ang naiinis sa pinaggagawa ng mga 'to.

"Ngayon lang ako sasang-ayon sayo." sabi ko. Ayoko na din panoorin ang mga 'to sumayaw pero inaabangan ko ang gagawin ni maid.

"Grabe kayo." sabi ni Veron. Nakitbitbalikat lang ako.

"Next na, na matapos na 'to." na si maid naman ang sumayaw. 

Tumingin ako kay maid na nakatingin kay Gia na sumayaw. Hindi ko alam kung paano sya napilit ng mga 'to makisali sa kalokohan nila, pero nagpapasalamat din ako sa kanila dahil at least mapapanood kong sumayaw si maid.

"Hindi ka naman nanonood kaliwa eh." sabi ni Gia. Napa-poker face ako sa kanya.

"Isa ka ding ang panget sumayaw eh." sabi ko. Pero joke lang yon, sya ang pinakamagaling saming limang sumayaw. Sinamaan nya ako ng tingin at handang ibato ang unan. "Subukan mo na hindi ka na makabalik dito." agad nya naman binitawan ang unan.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon