32

40.6K 900 37
                                    





Chapter 32



Napansin kong namula ang mukha niya dahil sa sinabi ko! Pero ramdam ko rin na mas namumula ang mukha ko.



"Maupo ka na hija.." Nakangiting sabi saakin ni Tito Mario, kaya naman umupo na ako sa couch nila, ramdam kong tinititigan ako ni Shane, maya maya lang umupo na rin siya sa tabi ko. Nagbabasa siya ng libro.


"Anong binabasa mo?" May maitanong lang Abhie?!!


Pero hindi niya ako inimik..


"Mom--my.." Parang biglang natigilan si Shara ng makita niya ako, nanakbo siya papunta sa sala.


"Hi Ate Abhie!!" Masiglang bati niya saakin.


"Hello Shara.."


Nginitian niya ako, napansin kong hindi siya makatingin kay Shane, na para bang may malaki siyang kasalanan.


"Shara, kuhanin mo yung laptop sa kwarto ko." Utos ni Shane ng hindi inaalis ang tingin sa libro.


"Hah?! Bakit Kuya?!!" Para namang gulat na gulat si Shara sa inutos ni Shane.


"Bakit? Natural gagamitin nga diba?" Pagsusungit ni Shane.


"Wala Kuya! Sira yung laptop mo!" Sigaw niya, padabog na isinara ni Shane ang libro niya at mariin na tinignan ang mukha ni Abhie!


"Ahh..ehh..kasi Kuya..a-ano.. Yung laptop mo..nilaro ko. Hehe." Napansin kong nanlaki ang mata ni Shane.

"May laptop ka naman diba? Bakit pinapakialamanan ang gamit ko?" Pagsusungit nanaman ni Shane.


"A..ano, Kuya kasi..maliit yung laptop ko!!" Paliwanag ni Abhie, pabalik balik ang tingin ko sakanilang dalawa, nagsukatan sila ng tingin na akala mo magwre-wrestling! Tumayo si Shane, tumayo din si Shara!


At nagulantang ako ng mag unahan silang tumakbo paakyat sa kwarto!


"KUYA!! Waaa!! Hindi pwede!!"

"Anong hindi pwede?!! May ginawa ka nanaman sigurong kalokohan sa laptop ko!!" Naiiritang sigaw ni Shane!

"Wa..wala ah!! Ang sungit sungit mo!!" Sigaw ni Shara! At narinig kong ang yabag ng mga paa nila!


"SHANE! SHARA!" Biglang tumahimik ng marinig ko ang sigaw ni Daddy nila.


"Anong kalokohan nanaman yan? Mamaya magkakasakitan nanaman kayo!" Suway ni Tito Mario.


Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon