MPML Book 2 (51)

4.1K 98 16
                                    


Matapos ang Division Quiz bee, tahimik na lahat ng sched ko. Lahat ng kailangang ipasa sa schoolboard napasa ko na lahat. Grades, list of names ng students na pinapayagan kong gumraduate dahil wala silang kaso sa subject ko pero meron ding mangilan ilan na wala talagang pag-asa kahit gusto ko silang isama sa mga gagraduate this year. Kaaakyat ko lang ng 5th floor dala ang pagkaing binili ko sa cafeteria para sa office nalang kumain. Pagbukas ko ng pinto, nasa loob pala si Yuji. Wrong move, dito ko pa naman binalak kumain dahil akala ko sa baba siya kakain at masosolo ko 'tong office, hindi pala.

"Wow, sayo lahat yan?" Mukha akong inosente habang sumasarado yung pinto sa likod ko.

"Alin?" Tanong ko kahit alam kong yung isang katerbang pagkain na bitbit ko ang tinutukoy niya.

"Yang dala mo, that's a lot of food. Akala ko ba nagddiet ka, Ms. Briones?" Umikot pa siya kasabay ng upuan niya para humarap sakin.

Oo, I'm on a diet. Pero hindi naman kita gym instructor para pigilan akong kumaen! Sinamaan ko lang siya ng tingin sabay irap at upo ko sa desk ko. Nakita ko siyang ngumiti sa ginawa ko pero dinedma ko lang siya. Nakatingin pa siya sa mga pagkaing nakapatong sa desk ko kaya nilayo ko yun sa paningin niya.

"Relax, I'm not going to steal your food from you, Ms. Briones." Ngiti niya ulit.

"Go on, eat your lunch." Dagdag pa niya habang tinuturo yung pagkain ko.

Inaantay ko siyang tumalikod para makakain na ko ng matiwasay dahil gutom na gutom na ko pero wala, nakasandal parin siya sa upuan niya at nginitian ako.

"Turn around." Utos ko habang tinuturo ko siya ng tinidor ko.

"Why?" Tanong niya.

"You're bothering me."

"No, I'm not." Bumungisngis na naman niya.

Nakakaloko to ah, trip ba niya ko? Kasi ako gutom na ko at wala ako sa wisyo makipagasaran sakanya ngayon.

"Tumalikod ka naiilang ako sayo nakatingin ka."

"Why?"

"Kasi kakain ako!"

"And?"

Aba't. Kumuha ako ng green peas sa tupperware at binato sakanya yun. Tumawa siya pero ako napipikon na. Nasalo ng pantalon nya yung green peas sabay subo pa niya sa bibig niya. Ew, nahawakan ko na yun kinain pa niya.

"This green peas tastes good." Sabi niya habang ngumunguya-nguya at tinataas taas pa niya yung dalawang kilay niya sakin

"Lahat ng green peas pare-pareho ang lasa kahit anong luto pa." Sagot ko.

"Not if someone touched it and threw it at you. Mas naging malasa siya hahaha."

Uh..He's kidding right?

Iniling iling ko yung ulo ko at tinakpan nalang yung mga tupperware ng pagkain ko. Ayoko na, sa bahay nalang ako kakain kesa dito.

"Oh, kumain kana bakit mo tinatakpan?" Galeng. Patay malisya ang mokong.

"Nawalan na ko ng gana." Tumawa siya sabay tayo niya palapit sakin. Yung mga tinakpan ko, binuksan niya ulit sa harapan ko.

"Come on eat. I'm just kidding around, I won't stare at you again okay?" He smiled and get back to his seat again.

Sinilip silip ko pa siya kung talagang hindi na niya ko bubwisitin, hindi na siya ulit lumingon kaya satisfied na ko at sinimulan ng kainin yung pagkain ko. Sa sobrang gutom ko gusto ko ng magkamay pero dahil nandito ako at kasama ko si Yuji, nakakahiya naman.

"Hey, Ms. Briones, diba nagddiet ka? Have you read about this food article posted on---Wow."

Nakakamay, nakanganga at akma na kong susubo ng kanin na may sabaw ng bigla siyang lumingon sakin. Tumutulo yung sabaw sa kanin na nasa kamay ko kaya kahit nakatingin ang mapangasar niyang pagmumukha sakin, sinubo ko parin yun. Habang ngumunguya ako tawa na siya ng tawa sa upuan niya. Pang-asar talaga eh. Nguya, lunok, kuha ulit ng green peas sabay bato ko ulit sakanya.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon