Chapter 30.

10.4K 419 81
                                    

Suspended!!!! Stay safe babies.


CHAPTER 30.


Umalis din si Callixte kinagabihan dahil pupuntahan niya pa sina Tita Marga sa Taguig. At ako, tulala padin. Sobrang bigat lang talaga sa pakiramdam na, you want to be with him pero marami talagang hadlang. Numero uno na ang daddy 'ko doon, at si Romeo.



Maga-ala singko nadin kaya naligo na ako at nag-ayos. Sabi kasi ni Romeo ay susunduin niya ako, kaya mauuna nalang ako sa Brentville. Ewan ko ba, sobrang layo ng loob ko kay Romeo.


At simula nung may nangyari samin ni Callixte, mas lalo ata akong nabaliw sakanya. To the point na gusto ko lagi ko lang siyang kasama. Kaso, delikado naman buhay niya. Ayoko magsisi sa huli. Baka mamaya, may gawing masama si Daddy sakanya kapag nahuli kami.



CALLIXTE'S POV.


Hindi ako pumasok kinabukasan dahil kasasama ko sina Ame at Daddy. Mukhang naglilihi padin si Ame at gusto niya mukha ko at mukha ni Dad ang natatanaw niya.


"Callixte baby.. May problem ka ba?" Nakahalata ata si Ame na wala ako sa mood.



I smiled at her at dinampi ang tiyan niyang medyo malaki na, "Pagod lang ako Me."



Porsche and I never used protection. Pumasok sa isip ko na what if.. What if mabuntis ko siya? Tangina. Ano kaya mangyayari? 18 palang siya at 19 ako, masyado pa kaming bata. Alam kong fertile siya, mahahalata mo naman yun eh.



Sakin, wala namang problema. Pananagutan ko siya syempre. Pero si Porsche, ewan ko. Ang bata bata niya pa pala ngayon ko lang narealize. Ni hindi nga ata nagsusuklay ng buhok yun?



Pano kaya kapag nagka-anak kami noh? Hindi ko alam kung marunong ba si Porsche maging ina. Haha, di nga marunong magluto eh. Nilagyan ba naman ng sabaw ang pancit canton hahahaha. Hindi rin marunong mag commute. At sobrang inosente niya pa pagdating sa adult stuffs. Siguro yung utak niya pang 12 years old. 12 years old na nageexcel sa acads. 12 years old na 3rd year college na. Lol.




Haha, namimiss ko nanaman siya. Naalala ko yung mga panahong parang bata siyang mag-tantrum. The way she pouts. The way she frowns. Hay, miss ko na baby ganda ko. Sana pala pumasok ako kahit half day lang. Gusto ko lang siya makita.





"Hala parang gago. Kanina nakasimangot, ngayon ngumingiti. Anak, i think you need a psychiatrist." Nagulat ako nang batukan ako ni Daddy. Isa pa 'tong isip bata. Hay nako Clarence.




"Dad naman ang eps. May naalala lang ako.." Inirapan ko nga. Panira ng moment eh.



Si Ame, nakangiti lang habang lumalantakan ng favorite niyang mango bravo. Naalala ko nanaman si Porsche, nung binilhan niya si Ame ng mango bravo. Oh, the little things that made me fall inlove with her.




"Si Porsche? I miss her. Papuntahin mo dito."  sabi ni Ame.




"Wala pa mahal. Aagawin palang siya ni Callixte. Hahaha! Ano na palang ganap?" Tanong ni Daddy.



"Aagawin? Bakit, may boyfriend na si Porsche?" Tanong ni Ame.



"Opo.. Tss."



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon