Chapter 40

660K 14.8K 5.9K
                                    

SPG


Chapter 40


Anong ginagawa kong ito? Tumatakbo na naman ba ako? Tinatakbuhan ko na naman ba ang problema ko? Saan ako pupunta?

May lugar pa ba akong pwedeng puntahan? May lugar pa kaya akong matatakbuhan? Ayoko nang mandamay ng ibang tao, ayoko nang madamay ang taong malalapit sa akin.

All I want is to escape from this never ending nightmare.


Halos mapatalon na lang ako sa lakas ng busina ng sasakyang nasa likuran ko. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko. Napapailing na lang ako. Hindi ko na napansin na tumigil na pala ako sa pagdadrive.

Sobrang lakas ng ulan at halos hindi ko na maaninaw ang labas. Kung hindi ko aayusin ang pagmamaneho ko, hindi malayong maaksidente ako.

Huminga muna ako nang malalim at mas binigyang pansin ang pagmamaneho ko.


Napakatanga ko kung sasayangin ko ang buhay ko. Ano na lang ang sasabihin ko kay Tristan Ferell pag nagkita kami? na sinayang ko ang pagsasakripisyo niya para maisalba ang buhay ko?

Dapat pahalagahan ko ang bawat paghinga ko dahil may isang taong piniling iwan ang mundo para lamang mapanatili akong buhay at humihinga.

Kaya kahit minsan, hindi ako nagtanim ng galit kay Lina. Sa lahat ng masasakit na salitang sinabi niya, sa ilang sampal na natanggap ko sa kanya, sa mga matang niyang galit na galit at lumuluha sa akin...kahit katiting na sama ng loob ay wala akong itinanim sa kanya.

Anong karapatan kong magalit sa kanya? Gayong ako ang kumuha ng buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, hindi malayong mangyaring magwala rin ako at manisi ng mga tao. Kung sakaling sa akin ito mangyari...

To see my Nero in his lifeless body.


Baka hindi na rin magtagal ang buhay ko. Mas gugustuhin ko pa siyang nasa malayo at patuloy na nabubuhay..mas gugustuhin ko pa siyang kayakap ng ibang babae kaysa makita ang kanyang mga matang nakasara...na wala ng kakayahang muling magbukas.

Ngayong nakakatanggap na naman ako ng mga ganitong pananakot, mas mabuti ba na layuan ko na naman siya? Lalong tumatagal ay lalong lumalaki ang distansya namin sa isa't isa.

Pilit kaming hinahadlangan ng mga problemang dumadating sa akin. Pilit kaming pinaglalayong dalawa. Tulad ng laging nangyayari, mahigpit siyang kumakapit sa akin. Pilit niya kaming pinaglalaban, ako naman itong walang kalakas lakas ng loob para samahang labanan siya. Nagbalik ako..at hindi ko akalaing tatangggapin niya pa rin ako sa kabila ng pag iwan ko sa kanya.

Hindi ko akalaing sasalubungin niya ako ng mas matinding pagmamahal na higit pa sa pinaranas niya sa akin nang tumira ako sa mansyon.

He never stopped loving me.

At ramdam ko ang mas pagtindi ng pagmamahal niya sa bawat oras na nagkakasama kami. Wala siyang ibang ginawa kundi maliguan ako ng nag uumapaw niyang pagmamahal..

Pagmamahal niyang basta ko na lang pinagtabuyan.


Alam kong matagal nang iniisip ni Nero na sa aming dalawa siya ang mas nagmamahal. Pero hindi, sa aming dalawa ako ang mas nagmamahal sa kanya. Tiniis ko ang puso ko sa napakatagal na panahon para mabigyan siya ng tahimik na buhay. Ang gusto ko lamang ay mabuhay siya ng normal, malayo sa isiping dulot ng buhay ko. Mahal na mahal ko siya na dumating na sa puntong pinakawalan ko na siya.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon