Chapter 34.

8.4K 331 63
                                    

CHAPTER 34.


Lumipas ang dalawang linggo na sa school lang kami palagi nagkikita ni Callixte. Dalawang linggo nang hindi umuuwi si Dad at binalitaan niya nalang ako na mananatili siya ng 2 weeks sa Davao.


At.. Eto ako ngayon sa bangko. Winithdraw ko ang allowance ko na padala ni Mommy. Onti nalang, makakabayad na si Daddy! Hay sarap sa feeling!


Nakatanggap ako ng text kay Callixte. Napangiti ako kalo. Kasi tinototoo niya yung sinabi niya na araw-araw niya akong liligawan.



From: bebe ko

I love you, Maria Angela Porsche Kaligayahan-Montereal! :* San ka baby?



Hindi ako nagreply. Instead, I called him.



"Beh? San ka?" I asked pag answer niya sa call ko.




"Hmm.. Somewhere. May pinagmamasdan ako babe. Sobrang ganda niya." Aniya. ANO? At talagang sakin niya pa sinabi huh?




"Ay ganon." Sagot ko. Nawalan tuloy ako ng gana kausapin siya. Edi wow Callixte!




"Oo. Grabe babe noh? Nakaka turn on pala mga babaeng simple."



Napatingin ako sa suot ko. Tshirt na itim at puting shorts. Simple naman to diba?




"Ay talaga. Nice." Walang gana kong sagot. Naiiyak na ako! Nakakainis 'tong Callixte na 'to!



"Grabe babe. Nainlove ako agad sakanya!"



Napatigil ako sa paglalakad. WALANG HIYA. "T-talaga?"



"Oo babe. Pwede magpa-alam babe?"



"Ano yun?"



"Pwede ko ba siya ikiss? Sige na babe."




Hindi ko alam pero tumulo yung luha ko. Inis na inis ako kay Callixte! Bakit ba sakin pa siya nagsasabi ng pagkahumaling niya sa iba! Girlfriend niya ako! Respeto naman!




"Ikaw bahala"




"Talaga? Eto na.. Lalapit na ako sakanya babe. Grabe inlove na inlove ako sakanya!"



Binaba ko na ang phone call at nagpahid ng luha. MAGSAMA SILA NG BABAE NIYA. Che!



Maglalakad na sana ako pa-exit sa mall pero may yumakap sakin, at humalik sa batok ko. Eh naka messy bun ako eh kaya dun siya humalik.



"Ang bango pa niya babe. Lalo akong nainlove." Bulong niya pa.




Inalis ko ang pagkayakap niya at hinarap siya. Nanlaki ang mga mata niya dahil nakita niyang umiiyak ako.




"Haha! Funny yung ginawa mo!" Tinalikuran ko siya pero hindi niya ako hinayaang makawala. Ugh.




"Ang iyakin mo naman mahal ko. Ikaw naman kasi yung tinutukoy ko kanina!" Natatawang sabi niya at pinahid ang luha ko.




Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon