“Lahat naman kasi tayo nagsasakripisyo, sa iba’t-iba nga lang na paraan.” – DASURI
Dedicated to rachelberja29
--
/HYENA/Tanging pagtitig lang ang itinugon sa’kin ni Kai. Siguro’y masyado syang namangha kung gaano ko kaganda sa malapitan. Hindi ko sya masisisi, marami na ang nagpatunay dyan.
“Tapos kana?” Huh? Anong tapos na ko?
“Kung tapos kana sa sasabihin mo. Ako naman ang magsasalita,” Napaatras ako nang biglang tumayo si Kai mula sa kinauupuan nya. Is he planning for something?
“Una, hindi ko ugaling magsinungaling. Kung ano ‘yung totoo. ‘Yon lang ang sasabihin ko.” Bawat salita nya ay katumbas din nang bawat paghakbang ng kanyang mga paa patungo sa akin. Dahan-dahan din tuloy akong napapaatras dahil sa ginagawa nya.
“Pangalawa, leading lady lang kita. You don’t have the rights to demand and I don’t have the responsibility to follow you.” Ang mga mata nya. Pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig nya. Is it possible?
“And lastly,” I was terrified nang mapasandal ako sa mesa at itukod nya ang kanyang mga kamay sa gilid para ikulong ako. Gosh. Bakit ang bilis nang tibok ng puso ko? And his manly scent? It doesn’t help me. Ano bang nangyayari sa’kin?!
Nang maramdaman ko ang unti-unting paglapit nang mukha nya sa’kin. Iginilid ko agad ang mukha ko, I won’t let him to steal a kiss from me. Pinakiramdaman ko lang ang mga kilos nya. Itinapat nya ang kanyang mga labi sa aking kaliwang tenga. Bigla kong kinabahan sa mga ginagawa nya. “Huwag mo kong ituring na pag-aari mo. Nobody owns me, except for my wife.”
Pakiramdam ko nabingi ako sa mga salitang binitawan nya. Nobody owns me, except for my wife.
“May asawa kana?!” wala sa loob kong tanong matapos nyang umalis sa harap ko’t maglakad palabas. He stops for a while and glance at me. “Hindi mo ba nabalitaan? Kinasal na ko, two weeks ago.” Then left.
“What?!” I blurted out.
--
/DASURI/Napakalaki talaga ng eskwelahan namin. Biruin mo, pwede kang magmaneho ng kotse sa sobrang lawak ng field. Kaya nga ‘yung mga rich people, nagdadala ng mga kotse nila tuwing papasok.
Bakit ko nga ba sinasabi ang tungkol dito? Wala namang may paki. Haha. Nasabi ko lang kasi kalalabas ko lang nang building namin tapos papunta na ko sa garden kaya nadaanan ko ‘tong malawak na field ng school.
Habang naglalakad, napansin ko ang isang itim na kotseng kapapasok pa lang ng school. Medyo malayo pa ito sa’kin pero natanaw ko na dahil makakasalubong ko ito. Siguro dapat kumuha na rin ako nang driver’s license para naman makapagdala na rin ako nang sarili kong kotse at mairampa ‘to araw-araw.
“Siguro araw-araw akong pagtitinginan sa tuwing papasok ako. Hahaha. Astig ‘yon. Matawagan nga si Papa mamaya, hihingi ako ng kotse.”
Liliko na sana ko patungo sa garden nang biglang may humarang na kotse sa lalakaran ko. Ito ‘yung kotseng namataan ko sa malayo kanina. Bakit sya huminto sa daraanan ko?
Teka, h’wag mong sabihing may balak ‘tong kidnapin ako? Tama. Itim na kotse. Bagay na bagay para sa mga kidnappers. OMO!
Bahagya akong napaatras nang mapansin ang unti-unting pagbaba nang salamin nito sa backseat. ‘Takte! Hindi na ko bata kaya bakit ki-kidnapin parin nila ko?!
Inihahanda ko na ang aking sarili sa pagtakbo nang mamukaan ko ang taong nasa loob,
“Mama Kim?!” bulalas ko nang makilala ito. Ngumiti naman ito sa’kin.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias