Super Woman

56 3 0
                                    

Nanay

Mama

Mommy

Mom

Inay

Mga salitang ating binibigkas sa tuwing tayo'y nangangailangan.
Ngunit kapag tayo'y masaya ay atin silang kinakalimutan.
Tigilan na natin ang ganyang gawain.
Ating balik tanawin ang mga panahong sila lang ang ating laging kapiling.
Bago natin sila balewalain, ating isipin ang mga sinakripisyo nila para satin.
Siyam na buwan tayong pinangalagaan sa kanilang sinapupunan.
Ilang oras nilang tiniis ang sakit, basta't tayo'y mailuwal lang.

Kumayod, nagpakahirap, tayo'y mapakain lang.
Inaruga at iningatan hanggang sa pagtungtong natin sa wastong edad.

Ano nga ba ang ibinigay natin bilang kapalit?

Pagsinungalingan sa tuwing tayo'y may ginawang kasalanan
sigawan sa tuwing tayo'y pinangungunahan
kagalitan sa tuwing tayo'y pinakikielaman
sumbatan sa tuwing hindi sinusunod ang ating kagustuhan
talikuran sa tuwing tayo'y pinapagalitan
At kainisan sa tuwing tayo'y pinaghihigpitan

Tama ba ang ating ginagawa?

Naalala ko noon, Sa tuwing aalis sila ay yayakapin natin sila at sasabihang "I love you Ma!"
Sa tuwing umiiyak tayo ay sila ang unang nakakaalam ng dahilan.
Sa tuwing may gusto tayo, agad nilang ibinibigay ito.

Ngunit ngayon? Unti unti na natin silang binabalewala.
Ating katwiran ay marunong na tayong magdesisyong mag isa.
Ngunit sa oras na tayo'y nangailangan, sila parin ang tanging malalapitan.

Ating aminin na sila ay hindi pangkaraniwan.
Daig pa ang mga superhero na tumalo sa kasamaan.
Kahit anong sakit ay tiniis
Kahit anong balakid ay tinawid
Kahit anong problema'y nilutas maging ayos lang tayo.

Ngayon, Ating isipin lahat ng kabutihang kanilang ginawa para sa atin.
Mga yakap at halik nila na ating maluwag na tinatanggap ng tayo'y bata pa.
Mga pangaral na para sa ating kabutihan.
Hindi malalagpasan ng sino mang nakapaligid satin ang kanilang kabayanihan.
Huwarang ilaw ng tahanan na tumutulong ituro ang mas magandang kinabukasan.
Mahalin, irespeto at alagaan, Ating mga pangako sa kanila na dapat tuparin.

Ngayon, Ating parangalan ang nag iisang Super Woman ng ating mga buhay.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now