Kabanata 37: Destruction

59.6K 2.5K 219
                                    

Namamanhid ako.

Wala akong maramdaman kahit ano.

Nasaan ba ako?

Gusto kong imulat ang mga mata ko ngunit wala akong sapat na lakas para gawin iyon. I stay still. I need to move. I need to know where the hell I am! Gamit ang natitirang lakas na meron ang katawan ko, naigalaw ko ang daliri ko.

"She's moving."

I heard someone talk. So, hindi lang ako nag-iisa ngayon? Someone's with me right now! Akmang igagalaw ko muli ang isa sa mga daliri ko noong makaramdam ako ng matinding sakit. Napadaing ako dahil sa naramdaman. Nanuot sa mga buto ko ang sakit! Ano bang ginagawa nila sa akin? Shit!

"More."

"Another one."

Mas lalo akong nakaramdam ng matindi sakit. Halos hindi na ako makahinga nang maayos. Is this my end? Ito na ba ang kinatatakutan ng mga magulang ko? Mamamatay na ba ako?

Pero bago pa man ako sumuko sa kalagayang mayroon ako ngayon, may bigla akong naramdaman sa katawan ko. The pain is still there but there's something strange I'm feeling right now.

Power.

"Aaaaaah!"

Ngayon ay napasigaw na ako. Hindi dahil sa sakit na nararamdam ko gaya kanina. Iba ito. May kapangyarihang nabubuhay sa loob ko. At hindi makaya ng katawan ko.

Shit! Please. Stop!

Baka hindi kayanin ng katawan ko!

I shouted again. Damn! Ano bang nangyayari sa akin?

Kasabay ng malakas na sigaw ko ang pagkabasag ng kung ano. Nakapikit pa rin ako ngayon. I can't open my damn eyes! Mayamaya pa'y naramdaman kong bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig.

Nasaan ba kasi ako?

Nakarinig ako ng pagpapanic sa paligid. I even heard someone cursed.

"Call Lord Titus. Now!"

Titus! That bastard! Dahil sa narinig, pilit kung iginalaw ang katawan. I'm not done with him! Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Kung kanina ay hinang-hina ako, ngayon naman ay para akong lumulutang sa gaan ng pakiramdam ko.

Napaawang ang labi ko. Where the hell am I? I summoned my wind attribute para makatayo ako ng maayos. My attribute! They're back! Hindi na ito nakablocked!

Kita ko ang gulat ng mga tao sa loob ng silid. Right! Now, I remembered. Nasa laboratory ako ngayon ng mga Eiwerds. At ang huli kong naalala bago ako mawalan ng malay ay isinilid nila ako sa isang chamber.

Agad akong napalingon sa chamber na kinalagyan ko. Wasak na ito. Ito marahil ang narinig kong nabasag kanina.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. I feel nothing. It's strange. Wala na ang mga sugat na natamo ko dahil sa laban namin ni Titus kanina. I'm all healed and I feel .. reborn.

Kinuyom ko ang mga kamao noong maramdaman ko ang kapangyarihan ni Titus. Malayo pa siya, alam ko. Pero bakit ramdam na ramdam ko iyon? I can clearly hear his footsteps. Napatingin ako sa mga taong mukhang takot na takot sa presensya ko. Their breathings, heartbeats and even their small movements, I can clearly hear those!

Then it hit me! My senses! Mas naging sharp at active ito ngayon!

Ano bang pinaggagawa nila sa akin?

Damn it!

"At last, you're awake."

Titus.

I sharply looked at him. Gusto kong pilipitin ang leeg niya ngayon. His creepy smile wanted me to attack him now. Magsasalita na sana ako ngunit may narinig ako.

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon