CHAPTER 164

2.8M 70.3K 134K
                                    

RANDALL'S POV

Eksakto alas sais na ng umaga nung marating ko ang BIS Hospital.

Halos madapa ako katatakbo mahanap lang ang kwarto ng mag-ina ko.

Hindi ko maipaliwanag ang excitement na nararamdaman. Mukha ako'ng tanga na nakangiti pa kahit nadadapa-dapa na.

Hintayin mo lang si Daddy, baby.. Parating na 'ko..

"Doc Edda!" hinihingal na sigaw ko.

"Oh, Doc Randall??" lingon niya sa'kin.

"What happened to the elevators?" taka'ng tanong ko. Hindi ko nagawa'ng gamitin ang mga 'yon dahil hindi daw gumagana, kaya sa hagdan ako nagmula at ika-walo'ng floor pa ang kwarto ni Dein.

"Nagbrown out dito kanina dahil sa nangyari sa Sta.Rosa.." sagot niya kaya napailing naman ako. "Where have you been? Kanina pa nanganak si Dein.."

"A-Ano'ng oras? Ano'ng room si Dein!?"

"Room 818. 12:18am, si Doctora Arandia ang nagdeliver ng baby---"

"Sige, sige.. excited na ako'ng makita sila."

"Congrats, Doc!"

"Thank you!" pasigaw na sagot ko at saka mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ni Dein.

Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang kama niya at kasalukuyan siya'ng nakatalikod sa pintuan. Napatayo naman si Manang na siya'ng bantay ni Dein sa kwarto.

"Oh, Randall.. hijo?" parang inaantok pa'ng bulong sa'kin ni Manang.

"M-Manang, sige tulog ka na.."

"Sige, sige.. ayos lang.."

"Nasaan po sila?"

"Mmm, sina Lacey at Lohrton ay pinauwi ko na muna't gradwesiyon ni Deblor ngayon.."

"G-Ganon po ba?" nahihiya'ng tugon ko pa at saka maraha'ng lumapit sa side table na malapit sa kama'ng kinahihigaan ni Manang. Nasa isang semi-private room si Dein kaya dalawa ang kama pero wala'ng kasama'ng pasyente sa kwarto kaya naman si Manang na lang ang umukupa nung isa'ng kama. "Bakit po dito ang kwarto niyo?"

"Aba e, nagkaubusan daw ng kwarto dahil sa dami ng pasyente."

"Mmm.. May dala po ako'ng pagkain, Manang. Kumain na po muna kayo."

"O sige, maige nga't kumakalam ang tiyan ko't hindi ko nagawa'ng kumain ng maigi kanina.." aniya pa saka nagtuloy sa paglapit sa mga pinamili ko.

Binuksan ko ang ilaw at doon lumingon si Dein.

Nangiti agad ako pagkakita ko ng bagong gising na mukha niya.

Ang ganda ng mapapang-asawa ko..

"Good morning, Honey.." malambing na bati ko pa sa kaniya.

"And what are you doing here?!"

Napahinto ako sa paglapit sa biglaa'ng pagtataray niya!

"H-Honey naman.." mababa ang tono'ng usal ko pa.

"Psh, sana hindi ka na dumating---"

"H-Hon.." tuluyan ako'ng lumapit sa kaniya. "Honey, galing ako sa Sta. Rosa.."

"Ano nama'ng ginawa mo doon?! Tawag ako ng tawag sa'yo kanina dahil walang magpapaanak sa'kin dito!" galit na singhal niya at kumunot naman ang noo ko.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon