Blood 22

14.3K 520 22
                                    

"Oh, paano, bukas na lang?" Nakangiting saad ni Asha kay Elisse habang nakahawak sa baywang nito si Diamond na hindi na humiwalay rito simula kanina.

"Sige." She kissed her friend's cheek and smiled back. Nilingon niya naman ang kambal at sina Sam. "Good night."

"Good night!" Rin was energetic as usual. "Salamat!"

Tumango lang siya. Siya nga ang dapat magpasalamat dahil nag-effort ang mga itong magluto ngayong dinner. Ang nakakatuwa ay successful ang food experiment ng mga ito. Ang cute lang tingnan ng mga kaibigan na sobrang masaya dahil nagustuhan nila yung pagkain na pinaghirapan ng mga itong gawin.

Pagkatapos no'n ay nagkanya-kanya na sila ng daan na pinuntahan. Kaagad naman siyang hinapit ni Adrienne palapit dito habang naglalakad sila hanggang sa makarating sa sariling silid. Nauna siyang pumasok pagkabukas ng pinto at sumunod naman ito.

"Finally..." Adrienne's voice was monotonous but of relief.

Pagkasara niya ng pinto ay nagulat si Elisse nang bigla siya nitong sunggaban ng halik. Adrienne pinned her against the door with hands trapped above her head. She was being kissed hungrily by her lover like she's been craving for that moment to happen all day.

Halos mapugto ang hininga niya nang walang paalam na ginalugad ng dila nito ang loob ng kanyang bibig na para bang naghahanap ito ng isang mahalagang bagay na mahirap hanapin.

Elisse moaned at her lover's delicious assault and kissed her back with equal intensity. She felt satisfied when she heard Adrienne's moan, pulling her impossibly closer.

They were both catching their breaths when they stopped. Elisse was looking at the vampire's already blazing gold eyes and was mesmerized as to how beautiful the woman in front of her was. Napangiti na lang siya at hinaplos ang pisngi ng kasintahan. Adrienne closed her eyes and leaned on Elisse's warm hands and sighed. Nang magmulat ito ay bumalik na sa pagiging itim ang mga mata nito.

She kissed her forehead. "Maliligo muna ako."

Tumango siya at pinanood lang ito hanggang sa pumasok na ang dalaga sa banyo. Siya naman ay hinanda na ang susuotin dahil maliligo rin siya pagkatapos. Nahiga muna siya at napapikit.

It's been days since the conference about the war. At kapag naaalala niya ang araw na 'yon ay hindi niya mapigilang hindi mapaisip at mag-alala. Mas napagtatanto niya kung gaano kaseryoso ang itinatakbo ng mga pangyayari sa ngayon. Mas naiintindihan niya na hindi lang sila basta sasabak sa isang simpleng laban, dahil ang pinaglalabanan nila ay buhay ng mga tao at bampira. Nakasalalay roon ang kinabukasan nila.

She may be a newbie in a world she's in now but she's still willing to do everything, even though it was terrifying her ─ a lot.

Naputol ang pag-iisip niya nang makarinig ng mahinang langitngit ng pinto. Napalingon siya kay Adrienne na kakatapos lang maligo. Kaagad niyang kinuha ang damit at walang imikang pumasok na sa loob ng banyo.

She turned the shower on and her body tensed when the warm water hit her bare body. Unti-unti ay na-relax na rin siya. Kasabay ng pag-agos ng tubig ay ang pagdaloy rin ng mga nasa isipan.

Pakiramdam ni Elisse ay nailabas niya ang lahat ng tensiyon at sakit ng katawan sa halos araw-araw na training nila. Buti na lang at Sabado ngayon kaya nakakapagpahinga siya. Pero sigurado siya na hell day na naman sa Lunes. Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga.

Nang matapos na siya ay naabutan niya si Adrienne na prenteng nakahiga sa kama habang nagbabasa ng libro na ilang araw na rin nitong pinagkakaabalahan. Elisse unconsciously gulped after seeing her overall appearance. Nakasuot lang ito ng malaking t-shirt at isang black na panty na ngayon niya lang pinagtuunan ng pansin. Ang ganda talaga ng dalaga sa kahit anong gawin at ayos nito.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon