Weirdly Beautiful

2.9K 99 18
                                    

Vice's POV

Hay... good morning. I just woke up and it's six in the morning. Sh%t! I'm running late! Seven o'clock nga pala ang call time namin today sa office.


I literally jumped out of bed and headed straight to the bathroom to take a bath. Pagkatapos kong magprepare, I headed to the kitchen para makainom man lang ng kape. I took a bottle and drank it. Akala nyo coffee na tinitimpla? Yung kukuha ka ng powdered coffee, asukal, at creamer pagkatapos ay lalagyan ng mainit na tubig? Hindi. Di ko trip yun. At walang epekto sa akin yun. Yung bottled coffee lang na iniinom ko ang umeepekto sa akin. Grabe yun. Pag ininom mo, di ka aantukin. Very effective. Hindi ako nag-eendorse ha? Pero I'm sure alam nyo na yung kapeng tinutukoy ko. Endorsers nun si Paulo Avelino at Solenn Heussaff ;)


Ayun na nga. Kapag minamalas ka nga naman, super traffic pa ngayon dahil sa aksidente. Nagkabanggaan yung bisikleta at kariton. Namatay pa nga yung kuko nung nagkakariton eh. Yung kondisyon naman nung sapatos nung nagbibisikleta, malala. Bukang buka yung swelas, hindi na kakayanin kahit tahiin... joke lang. Traffic kasi may nagrarally na naman.


Pagkarating ko sa opisina, nakita ko ang mga katrabaho ko na nakakumpol na sa harapan at mukhang ang boss namin ay nagsimula na sa announcement.

VICE: Kanina pa si Sir?

VHONG: Brad, ba't ngayon ka lang? Oo, alas siyete nga di ba?

VICE: Traffic eh.

VHONG: Hay nako. Sinisi mo na naman sa traffic.


After magsalita ni Mr. Hilario sa harapan, bumalik na kami sa kani-kanya naming mga cubicles. Magkatabi ng cubicle si Vhong at Billy habang ako naman ay nasa tapat nila.

JHONG: Mr. Viceral.

VICE: Yes sir?

JHONG: Your performance in the past few months has been quite excellent...

VICE: Thank you sir.

JHONG: But often times, you're late.

VICE: Sorry sir.

JHONG: It's okay. Just try everything you can to come here on time. Your chance of getting the promotion is big.

VICE: (smiles) Yes sir. Thank you.

JHONG: (taps Vice's shoulder and leaves)


Abala ako sa paperworks nang bigla akong batuhin ni Billy ng eraser. Bwisit yun. Pero wala. Sanayan lang. Bully yang si Billy. Hindi ko sya pinansin pero maya-maya pa ay binato naman nya ako ng sharpener. Bakal na sharpener. Pero hindi ko ulit pinansin.

BILLY: Isa pang hindi mo pagpansin sa akin, itong puncher na ang ibabato ko sa'yo.

VICE: Bakit ba?

BILLY: (nguso)


Tinignan ko kung saan yung tinuturo ni Billy. She's here. Nandito na sya. Ang nag-iisang babaeng gusto ko dito sa opisina. Ang ganda nya talaga. Bagay na bagay sa kanya yung kulot nyang buhok. Ang ganda pa ng hubog ng katawan nya. Tapos balita ko, consistent honor student sya from grade school to college. Siya si Ana Karylle Padilla Tatlonghari. Ever since nakita ko sya dito sa office, gusto ko na sya. And ever since that day, hindi ko pa din sya nakakausap ng masinsinan. Ni hindi pa nga ako nakakapagpakilala dun eh. Hay... Oo na. Torpe.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon