Super Random Special Chapter

1M 26.8K 6.3K
                                    


Note: This was originally posted last 2016 as my promise sa readers that time. Drabble lang 'to kaya wala masyadong sense. Pasilip lang 'to sa nangyari sa kanila before Teen Clash 2.


Yannie's Point of View


"Uhh, anong nangyayari?" bulong ko kay Xander nang mapansin ko ang sobrang katahimikan pagpasok na pagpasok namin sa No Name.

Tiningnan ni Xander isa isa ang mga kaibigan namin at nagkibit balikat. Nag-aalangan pa kaming umupo sa dalawang stool sa hindi kalayuan ng stage.

Nasa stage sila Josh, Zoe at Ken habang magkakahiwalay na nakaupo naman sa paligid ng No Name sila Ice, Sab at Ayu.

Sa pagkakaalam ko magkikita kita kami ngayon para magpractice para sa gig mamaya. Kaya lang sa nakikita ko ngayon, mukha wala namang nagprapractice. Parang may sariling mundo ang anim.

"Ma, parang hindi maganda atmosphere dito. Umalis na kaya tayo?"

Napairap na lang ako nang marinig si Xander. Hindi ko rin napigilan ang kurutin siya sa tagiliran. Halatang naguluhan siya sa ginawa ko kaya napairap na naman ako.

"Alam ko 'yang reaksyon mo na 'yan," inis na sabi ko. "Nararamdaman mong may problema 'tong mga magagaling nating kaibigan tapos gusto mong iwan natin sila? Aba. Sige, lumayas ka na mag-isa."

Napasibi si Xander at saka gumitgit. Ipinalupot niya pa ang dalawang kamay sa bewang ko at ipinatong ang ulo sa balikat ko. "Joke lang naman, Ma," bulong pa niya. Hay nako. Ano ba talagang gagawin ko sa isang 'to?

"Okay, okay. Lumayo ka na sa akin at ayusin na natin ang problema ng mga 'to."

Hindi siya gumalaw, hindi siya lumayo. Itinagilid ko ang ulo ko para tingnan siya. Nakapikit ang loko at parang walang naririnig. Kung hindi pa sana magbubukas ang No Name hahayaan kong ganito muna kami kaya lang anong oras na? Ilang oras na lang magbubukas na 'to kaya dapat na talagang kumilos.

"Xander, dali na." Medyo itinaas ko pa ang balikat ko para istorbohin siya kaya lang walang epekto. "Xander. Uy. Da."

"Hmm?"

"Isa..."

Nang magsimula akong magbilang ay bumitaw na siya sa akin at nagkamot pa ng ulo. Tinapik ko ang pisngi niya at saka siya nginitian. At sa ginawa kong 'yun ay napangiti na siya at nauna pa sa aking tumayo para magpunta sa stage.


Pumalakpak siya nang malakas kaya napatingin sa kanya ang iba.

"Magprapractice ba tayo o ano?"

Nang makita ko ang reaksyon ng anim ay napairap na naman ako. Medyo nakakapagod nang umirap kaya lang sa mga pinaggagawa ng mga kasamahan kong 'to hindi ko mapigilan. Ni hindi man lang nila pinansin si Xander at nagpatuloy sa kung ano man ang mga gingagawa nila.

Ang tigas ng ulo ng mga 'to. Parang mga bata.

Nagpunta ako sa mini stage at kinuha kay Zoe ang drum stick. Pinalo ko nang pinalo ang cymbal at sa sobrang sakit noon sa tenga ay nakuha ko rin ang atensyon ng mga batang 'to. Nang tingnan nila ako ay ngumiti ako at sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay napairap na naman.

"Look, guys, kung may personal issues kayo, huwag niyong dalhin dito."

Hinihintay ko na may magsalita pero nanahimik na naman sila. Napabuntong hininga na lang ako at napailing.

"Okay. Mukhang hindi tayo matatapos hangga't hindi kayo nagkakaayos ayos. Umakyat nga kayong lahat dito." Nang mapansin kong hindi naman sumunod sa akin sila Ice, Ayu at Sab ay pinalo ko na naman ng paulit-ulit ang cymbal. At dahil doon, sumunod na rin ang tatlo kaya lang sobrang latang lata. "Ngayon na lahat kayo nandito na, umupo kayo at bumilog."

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon