Chapter 22

38.6K 1.1K 381
                                    


Left's POV

"Ma, may alam po ba kayo kung bakit hindi nagsasalita si maid?" tanong ko kay Mama habang nakatingin sa niluluto nyang ulam.

Napatingin sakin si Mama na may ngiting nakakapang-asar. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ngayon pumasok na sa kokote mo na hindi pipe si Nissan." sabi nya. Napairap ako.

"Pwede ba, Ma? Sagutin ninyo na lang ako." dami pang sinasabi eh.

"Hmm...hindi ko alam eh." mapa-poker face ako sa sagot nya. Ang tagal nyang sumagot tapos hindi nya pala alam. Sarap ding bigwasan nito ni Mama eh. "Basta ang alam kong takot lang sya magsalita." pinagpatuloy nya ang pagluluto nya. Hindi ako nagsalita dahil alam kong may kasunod pa yon. "Tinanong ko sya kung bakit takot sya magsalita pero hindi nya ako sinagot at tila maiiyak pa sya non. Nag-panic ako kaya iniba ko ang usapan. Baka isipin nila inaaway ko si Nissan at kasuhan pa ako." hindi ko pinansin ang huli nyang sinabi.

Ganon din sya nung tinanong ko kung bakit hindi sya nagsasalita, bigla na lang sya umiyak na hindi ko alam ang dahilan. Siguro hindi pa handa si maid na sabihin ang totoo kung bakit sya natatakot na magsalita.

"Ma, sa pamilya nya may alam kayo?" napatigil sya sa pagluto at tumingin sakin.

"Bakit parang interesado ka ata kay Nissan?" kunot ang noo nya. Napaiwas ako ng tingin.

"Siyempre maid ko sya. Kailangan alam ko ang background nya baka bigla ako non nakawan eh." pero alam kong naman na hindi nya gagawin yon. Gumagawa lang ako ng palusot.

"Nung una pipe, ngayon magnanakaw? anak ba kita?" napa-poker face ako, ako din eh nagtataka kung Mama ko nga sya. "Well, for your question, ulila na sya."

"Alam ko Ma." 

"Alam mo naman pala bakit tinatanong mo pa?"

"Ang ibig kong sabihin kung may alam kayo kung ano nangyari sa pamilya nya at saan sya tumitira bago mo sya kinuha."

"Sa mismong chairwoman ng agency nila sya nakikitira bago ko sya kunin biglang maid mo. At sa pagkakaalam ko bata pa lang sya nung maulila sya."

"Bata pa lang sya? maaga syang naulila?" sabi ko at napaisip. "Anong nangyari sa mga magulang nya kung bakit ito namatay?"

"Hindi ko alam, tanong mo kay Nissan." ang ganda talagang kausap nuito ni Mama. Kung hindi lang kay maid, hindi ako magtatanong sa kanya at pupunta dito sa bahay nila. Mabuti na lang nasa business trip si Papa kaya hindi ko sila madadatnan na naglalandian.

"Yo, Ate wala kang pasok?" tanong ni Frost na pumasok ng kusina at dumeretso sa ref.

"Oo nga pala, wala ka bang pasok at nandito ka? nag-cutting klase ka 'no? hay nako, sinasabi ko sayo Left gagawing kitang Right kung ayaw mong magtino-tino! purkit mayaman tayo ay hindi ka na mag-aaral, baka gusto mong sapakin kita?" napangiwi ako sa sinabi ni Mama. Ang OA.

"Walang klase ngayon dahil naghahanda kami sa dadating na foundation week." walang practice ngayon sa play dahil kailangan namin tumulong sa booth ng bawat klase. Wala naman akong gagawin don kaya pwedeng ma-late ako. "Aalis na ako baka kailangin na ako sa school."

"Oh sige mag-iingat ka ah." humalik sakin si Mama sa pisngi. Tumango lang ako at naglakad na paalis. Nakipag-apir pa ako kay Frost bago tuluyan makaalis.

Napabuntong hininga ako habang nagdri-drive papunta sa school. Wala din akong nakuhang ibang impormasyon tungkol kay maid. Sana pala tumawag na lang ako at least hindi sayang gas. Kung tatanungin ko naman mismo si maid, siguradong hindi naman sya ako sasagutin. Lalo akong na-curious kung ano meron kay maid kung bakit ganon na lang sya matakot na magsalita.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon