The Boy Next Door - 3

3.6K 159 20
                                    

A whole week passed pero hindi ko mabura-bura sa isip ko ang nangyari.

Isang buong linggo ko na rin na hindi nakikita si Shin. Ilang beses kong tinawagan ang number niya pero walang sumasagot. Every time na susubukan kong pumunta sa condo niya ay wala namang nagbubukas ng pinto.

"Malamang iniiwasan ka niya!" sabi ni Jessica when I called her one time.

"Iniiwasan? Why would he?" tanong ko naman.

"Naku naman. Sino ba ang hindi mahihiya kapag hinalikan niya ang isang tao nang wala sa oras at kapwa pa niya lalaki? My God, kung ako 'yun ay baka sumuksok na ako sa kung saan na butas diyan," sabi niya.

"Sapat na ba 'yung rason? As I remember it, may tumatawag sa kanyang lalaki bago niya ako hinalikan. I already saw that guy in a picture together with Shin," sabi ko.

"I can smell something fishy. Alam mo, all I can give is a simple advice. Kung gusto mo na malinawan talaga ang utak mo ay kausapin mo si Shin mismo. Ask him, direct to the point. Doon lang maliliwanagan ang lahat," sabi ni Jessica.

"Oo na. Nakakapanibago lang kasi," sabi ko naman.

"Good luck. Kaya mo 'yan. Ikaw pa. Bye na muna at may gagawin pa ko," paalam sa 'kin ni Jessica bago naputol ang tawag.

Pumunta na lang ako sa kusina para kumain ng dinner ko, pero habang kumakain ako ay bigla na lang na tumunog ang door bell.

Pumunta ako ng sala at binuksan ang pinto.

"Ikaw ba si Kevin?" tanong ng isang lalaki.

"Yeah, why? Who are you?" tanong ko naman.

"I'm Xavier. I'm Shin's friend. Lasing na lasing kasi siya ngayon," sabi ng lalaki.

"What?! Where is he?" tanong ko naman agad.

Isang ubo ang narinig ko, sanhi para mapalingon ako. Nakaupo na sa sahig si Shin. May isa rin siyang kasama pa.

"What happened?! gulat kong tanong sabay sugod kay Shin.

"Lumabas lang kami para uminom nang kaunti. Then nagkasalubong na lang kami nina Trace—"

"Who's this Trace?" tanong ko sa kanila.

Yung isang kasama niya ang sumagot. "He is Shin's ex-boyfriend," sabi nito.

"WHAT?!" gulat kong sabi.

"Naghiwalay na sila dati dahil nanloko si Trace. Now, Trace is trying to approach Shin dahil gusto niyang magkabalikan sila. But 'yun, Shin got angry and told him to leave. Nasampal pa nga niya si Trace. Heto na, hindi na namin napigilan si Shin na uminom," sabi ni Xavier.

I sighed. Tumitig ako kay Shin na parang wala nang malay. Ang lakas ng amoy ng alak at gulong-gulong pa ang hitsura.

"I'll take care of him. Thank you for bringing him here," sabi ko doon sa dalawa.

"No problem. Itext mo na lang kami kung okay na si Shin. By the way, here's his phone," sabi ni Xavier sabay abot sa 'kin ng cellphone ni Shin.

"Yeah, bye. Thanks a lot," sabi ko naman.

Kumunot ang noo ko nang muling mabaling ang tingin ko kay Shin. Binuhat ko na lang siya at dinala sa condo ko.

Dinala ko siya sa shower, tinira ko lang ang boxer shorts niya at in-on ko bigla ang shower. Gumalaw bigla si Shin sabay angat ng ulo niya.

"Good evening," sabi ko habang nakasandal sa pintuan ng shower. "Apparently ay mukhang pinasok mo sa utak at hindi sa tiyan ang ininom mo. You're already old, you know. Alam mo na dapat kung hanggang saan lang ang limitations mo," sabi ko pa.

The Boy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon