KABANATA 4

26.2K 1.1K 354
                                    

     "You're in the year 1896. Ang taon kung saan nadiskubre ng mga kastila ang sekretong organisasyon ni Bonifacio, ang Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng bayan," seryosong wika nito.

Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng bayan? KKK?

Hindi porke't malaki ang pagkamuhi ko sa bansang 'to ay 'di ko na alam kung ano ang KKK. Elementary, High School, and even in college paulit-ulit 'yang pinag-aaralan. At kahit ayaw kong pag-aralan ang mga tungkol dun ay kailangan pa rin if I want to have a better grade.

At 'di naman ako katulad ng ibang estudyante na porke't natapos na nilang pag-aralan ang mga 'yun ay kinalilimutan na. Matalas ang memorya ko kaya 'di niyo ko masisi.

I looked at the little kid na para bang tinubuan ito ng isa pang ulo, "You're kidding me, right?"

     "Do I look like I'm kidding?!" he yelled.

That's it. Pinaglololoko ako ng batang 'to. I'm not dreaming, pinakidnap talaga ako ng batang 'to. Oo parang imposible pero saan ang mas imposible, ang pinakidnap ako ng isang bata o ang nagtime travel ako? Come on, folks, we're living in the real world. This is reality, not a fucking fairytale.

Pero bakit siya lumulutang kanina? Aish bahala na.

Nag-umpisa na akong maglakad.

     "Sa'n ka pupunta?" tanong niyo

     "Uuwi," maikli kong sagot.

     "Ayaw mo talagang maniwala sakin," he sighed. "Pwes, ang mga kaganapan ngayong araw na 'to ang magpapaniwala sa'yong nagtimetravel ka talaga."

Nang malapit na ako sa pinto ay nilingon ko ang bata at sesermonan na naman sana pero wala na siya sa pwesto niya.

Heck?

Where did he go?

Okay fine, this is giving me the creeps.
Tatlong rason lang kung bakit nagkakaganito ang mga pangyayari. Pinakidnap, time travel, at I'm dreaming. But I pinched myself, I punched myself, and hindi pa ako nagigising. Okay, scratch the dreaming part.

Wait-

Maybe, ini-engkanto ako?

Oh c'mon, Kristin! Do you believe in such things? Goodness gracious! This is so frustrating.

Natigil ako saking iniisip nang biglang bumukas ang pinto. Dahil nga malapit ako sa pituan ay natamaan ako. At dahil nga malakas ang impact ng pagkakatama sakin, I landed on the floor.

     "N-naku! Binibini!"

I touched my nose, "Aww."

Crap.

     "Pasensya na, binibini. Ayos ka lang ba?" I glared at the guy while massaging my nose.

     "Do I look like I'm okay? Nakita mo ng natumba, napahawak sa ilong, tatanungin mo kung okay lang? Kung ayos lang? Are you dumb? Bullshit!" I yelled.

It fucking hurts! Feeling ko magkakanose cancer ako. Ikaw ba naman matamaan ng pagkalakas-lakas ng isang pinto na gawa na kawayan? Oh God!

Once na makaalis ako dito, I'll go to my doctor at ipacheck 'to.

The lend his hand, "Para sa ano 'yan?" I asked, obvious sa boses ko ang pagkairita.

     "T-tulungan na kitang makatayo." he answered.

I rolled my eyes heavenward. Tinabig ko ang nakalahad niyang kamay, "I can stand up without your help."

I stood up feeling a little dizzy. Goodness. Sakit sa katawan ang dala sakin ng mga pangyayaring 'to. I really want to go home. This whole thing is frustrating me.

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon