{7} Eyeliner.

11K 364 97
                                    

{A/N} Hi guys, pfft. Balita ko maraming nasasaktan kay JAGIYA rito ah. Kaya itong chapter dedicated sa lahat ng jagiya ni Baekla. Ge, paka-masokista kayo! Charaught. Salamat po pala sa support :') Love, love. 

xx

___________________________________

{7} Eyeliner.

"Tangina Dapdap! Nirereyp ako!!! HAAAAAAAAAALP!!!! Asdfghjkl. Wag na pa lang help! Ang sarap! Asdfghjkl.

Napa-face palm ako dahil sa inakto mo. Napapadalas ang pagfa-face palm ko sa'yo. At hindi ako nagtataka run. Noon pa dapat ako ganito sa'yo.

Nilapitan kita at tinanggal ang earphones sa tenga mo. 

"Shet asan na--"

Tinaasan kita ng kilay. Oo alam kong bastos kasi mas matanda ka sa akin pero kung umakto ka naman para kang kinder. 

"Daphneeeeeeeee! BUNTIS AKO!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi mo, "NABUNTIS AKO NG DOSE! TAGINA DAPDAP! GANGBANG!" Alam ng Diyos kung gaano kita gustong sampalin dahil sa mga pinagsasabi mo, "Nakakabuntis 'yung mga boses nila!!!!! Yung-yung-yung ano! Yung MY LADY! Yung English ni Kyungsoo dun putapete asdfghjkl! Laglag na ovaries ko! OMGGG! BAKIT HINDI SIYA ANG NAGING BIAS KO?!!!" Pagwawala mo.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa'yo. Gusto kitang ibitin patiwarik pero hindi pwede kasi Ate kita. 

Ayos ka nga eh. Maka-akto ka parang walang nangyari kanina :3

Napatingin ka sa unan mo na may print ng mukha ni Sehun...

"AY SHET! Hi babyyyyyy~" Hinalik-halikan mo 'yun tas niyakap. 

Naalala ko 'yung nangyari kanina na sigurado akong hindi rin maalis sa utak mo. Pinipilit mo lang iwaglit 'yun.

"Uh... Ate?" Tawag ko sa'yo. "Hindi mo ba susundan sina Lu oppa sa labas?"

Painosente kang tumingin sa akin. 

"Bakit? May nangyari ba? Wala naman, 'di ba? Hindi kaya pumunta rito si Lulu-landi. Hindi rin kaya niya ako hinalikan. LIKE EWWW! VIRUS! GERMS! Atyaka hindi kaya kami nakita ni Sese! Hindi 'yun totoo lahat 'di ba?" Atyaka ka ngumiti at nagpatuloy sa pagyakap sa unan mo. 

Napailing ako. Sinabi mo na ngang lahat tapos sasabihin mo pa ring hindi totoo lahat? Yung totoo Ate, nakashabu ka ba?

"Ate, totoo lahat 'yun. Hinalikan ka talaga ni Lu oppa sa cheeks." Sabi ko sa'yo. 

Bigla kang nag-evolve.

Nanlisik 'yung mga mata mo.

Uh-oh. 

"OH MY GAWD! Alam mo bang pinipilit ko nang kalimutan 'yung pangrereyp na ginawa niya sa pisngi ko?!!! Alam mo bang naubos na 'yung alcohol na nandito dahil lang sa binuhos ko 'yung lahat sa pisngi ko?! DAPDAP WALA NA! HINDI NA BIRJEN 'YUNG PISNGI KO!" Atyaka ka umakto na parang umiiyak.

Ikaw na nga ang hinalikan ni Lu oppa ikaw pa may ganang umakto ng ganyan. Ang swerte mo kaya. Alam kong libo-libong babae... at lalake... ang gugustuhing sumapi sa'yo kahit baliw ka :3

"Alam ko namang gumagawa siya ng paraan para hindi ako mapansin ni Sehun eh! Alam ko namang sinisiraan niya ako sa baby ko! Alam ko namang kabog na kabog ko 'yung ganda niya kaya natatakot siya sa'kin kasi maaagaw ko na si Sehun sa kanya! MWHAHAHA!" Tumawa ka na parang demonyita.

Anti-HunHanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon