Chapter 51

53.5K 1.4K 120
                                    

Karen's POV

"Problema mo diyan?"

"Bakit ganun? Gabi-gabi naman tayong sumusubok, wala pa din." Naka-pout na sabi ni Kane.

"Anong wala pa din?" Takang-tanong ko.

"Baby, gusto ko na ng baby." Nakangusong sabi ni Kane sakin.

"Oh edi gumawa ka ng baby."

"Eh siyempre dapat dalawa tayong gagawa nun diba?"

"Heh! Tigilan mo ko. Magpagawa ka sa mga bibe mo."

"Eto namang asawa ko, selos pa din kahit wala namang dapat pagselosan?" Niyakap niya pa ko.

"Ano ba yan Kane! Ang baho-baho mo naman!"

"Ano bang mabaho? Kelan ka pa nabahuan sa pawis ko ha?"

"Ngayon! Kasasabi ko lang diba?" Pagtataray ko.

"Bakit ba ang sungit-sungit mo diyan?" Kamot-ulong tanong niya.

"Leche ka!" I hissed tsaka lumabas na ng kwarto.

Hindi ko maintindihan pero inis na inis ako sa pagmumukha at amoy ni Kane ngayon.

Dumiretso ako sa kusina dahil nagca-crave ako sa ice cream. Naabutan ko si Pia na kumakain ng avocado.

"Kumakain ka na naman?" Bungad ko.

"Oh bakit masama ba? Dalawa na kaya kaming nagugutom."

"Aish. Alam mo, lolobo ka kapag ipinagpatuloy mo yang ganyang pagkain." Sabi ko sabay subo ng ice cream.

"Ano naman? Panigurado namang mahal pa din ako ni Blake kapag nanaba ako." Sabi pa niya.

Napabuntong-hininga ako. "Siguro kapag ako ang nabuntis at nanaba, iiwan na ko ni Kane. Andaming reserbang bibe nun e."

"Ay grabe ka naman! Hindi yan. Kahit naman loko yun, mahal ka nun. Teka nga, wala pa ba?"

"Wala pa." Sagot ko.

"Weh? Malay mo naman meron na, hindi mo lang napapansin. Wala bang nabago sayo?"

Panandalian akong nag-isip. "Lately palagi akong nasusuka e. Tapos dumoble pa yung kain ko. Palagi akong gutom. Sobrang iritable ko din."

"Sa pang-amoy mo, wala bang nagbago?" She asked.

"Naiirita ako sa amoy ni Kane ngayon. Dati gustong-gusto ko ngayon-"

"Waaaaaah! Tara sa taas girl. May ipapagamit ako sayo!" Sabi niya tsaka ako hinatak paakyat.

***

"Paano ko sasabihin sa kanya Pia?" Kinakabahang tanong ko.

"Edi ipakita mo yang pregnancy test sa kanya. O kaya naman, batiin mo siya ng 'Belated Happy Father's Day Kane!'."

"Eh ayoko ang panget num. Gusto ko may element of surprise."

"Ang arte naman Karen? Kaya mo yan!"

"Hi baby!" Salubong sa akin ni Kane ng pababa kami sa hagdan.

"Oh ayan na, game na!" Siniko pa ko ng bahagya ni Pia.

"Kane-"

"Sir may nag-iwan ho nito sa guard house." Lumapit ang isang tauhan nila Zach na may bitbit na box.

Nagsidatingan na din dito sa sala sila Blake at Jl.

Si Kane na ang nagbukas ng box at halos bunaliktad ang sikmura ko ng makita ko ang laman nito.

Putol na kamay!

"T*ngina." Mura ni Blake.

"Look at the ring. Kay ate Keisha yan!" Naiiyak na sabi ni Jl.

Dumiretso sa CR dahil hindi ko na kayang pigilan yung suka ko. Nagulat ako ng may humaplos sa likuran ko.

"K-kay Keisha kaya yun Kane?" Naiiyak na tanong ko. Naiisip ko pa lang na sa kanya yun, parang gusto ko ng magwala.

"Shhh. I don't think sa kanya yun. Hindi ganoon kalakas ang loob ng kalaban para padalhan si bossing ng ganun. Matapang lang sila ngayon dahil may alas sila laban satin." Pinunasan niya ang mga luhang nagsisimula ng magsipagbagsakan sa pisngi ko. "Tahan na baby. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa mag-asawa lalo na sayo at sa magiging baby natin."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "P-paano mo nalaman?"

"Nahulog mo to." Inilabas niya yung pregnancy test na may dalawang linya mula sa bulsa niya. "I love you so much Karen. Thank you for giving me the greatest gift of my life." He gave a peck on my lips.

I smiled sweetly. "I love you too Kane." I hugged him tight. Kanina isip ako ng isip kung paano ipapaalam sa kanya. Yun pala, si God na ang gumawa ng paraan para malaman ng asawa ko. Alam kong siya din ang gagawa ng paraan para maligtas sa kapahamakan ang mag-asawa.

***

Unti-unti ng umaayos ang buhay ng mga tauhan nila Zach. Paano naman sila Keisha? Mabubuo pa kaya ang pamilya nila?

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon