Chapter 5

170K 2.9K 416
                                    

                                                                         ******

"Nadouble-check mo na bang maiigi ang list of assets ng Barredo's couple?" tanong ni Clarisse kay Lance habang nagmimeeting sila sa loob ng kanyang opisina.

"Yap," kumpiyansang sagot ng assistant.

"Kumpleto ba?"

"Yes, sigurado ako sa hawak kong information. I also confirmed the details to Mrs. Barredo and she said it's absolutely correct."

Tumahimik ng ilang sandali si Clarisse. Pinaikot niya sa mga daliri ang hawak na ballpen habang idinuduyan ang sarili sa upuan. She gave Lance a hesitant look.

"Lance sa tingin mo pwede pa ba nating ireschedule ang settlement meeting na to? It's only 10:20 am,may five hours pa para ipakansel."

"I'll try calling the other party but what reason shall I tell them?"

She paused for a while. Ano nga ba ang dahilan niya maliban sa totoong rason na bigla siyang naduduwag harapin ang ex-fiance?

"Tell them I'm not feeling well."

Nagtatakang tinitigan siya sa mukha ng assistant.

"You look pale indeed. But is it because you're sick or because you're tensed?" panghuhuli nito sa kanya.

"Both."

"Ano pa ba ang dapat mong ika-tense? I thought you and Mrs. Barredo is fine now kaya mo nga tinanggap ang kaso niya di ba?"

She frowned inside her mind. Ayan na naman ang kausap, nagsisimula na naman itong makialam sa desisyon niya.

"It's not about her and me. It's because hindi ko pa gaanong narereview lahat ng complains ng client. Pati mga properties niya hindi ko pa gaanong napag-aaralan. I need to be careful. She came from a very rich family at ayokong maisahan siya sa hatian ng kanilang assets," she reasoned out with full confidence.

"We've been discussing about it for three days tapos hindi ka pa rin ready. Ikaw pa nga ang nagtatama if I mention some wrong information. I thought you're quite prepared."

Nag-isip ulit siya ng palusot. Anak nga ni Attorney Perez ang kausap niya. He's a control freak in his own way. Napakalakas ng pang-amoy nito kapag nagsisinungaling siya. He kept interfering in her shaky decisions. Alam niyang paminsan-minsan nagkakamali siya pero pag nakialam na ang lalaki para bang ipinararamdam nito na hindi siya pwedeng magkamali. Ilang uli na niyang nilunok ang pride para sundin ito. Kasi naman lagi na lang siyang talo pagdating sa pakikipagargumento. Pero kung tutuusin bakit ba laging siya ang kailangang mag-adjust? Assistant niya lang naman ito pero parang bakit siya yata minsan ang nagiging sunud-sunuran. Kung hindi lang dahil sa kagustuhan niyang makilala ng personal at mapalapit sa tatay nito, she won't be this kind and considerate to this guy.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon