Kilala mo ba ko?

88 4 2
                                    

Hi. Kilala mo ba ko?

Ako yung babaeng tanga

Na nagkagusto

Sa lalaking walang kwenta.

Sabi nya,

Kalimutan ko na daw sya

Hay! Dapat nga syang magpasalamat

Dahil may nagkagusto sa katulad nya.

Ang gustuhin sya ay hindi ko inakala

Ngayon,

Ang aking mata ay kahina-hinala

Dahil nahumaling sa isang tulad nya.

Wag mag-alala,

Dahil ang aking mata ay ngayo'y namulat

Sa katotohanang maling tao ang hinangaan

Taong eksperto sa pagpapanggap at kasinungalingan.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now