Chapter 23

31.7K 1.1K 57
                                    


Nissan's POV

Nandito ako ngayon sa school nila Left. Hindi ko maiwasan hindi mapahanga sa lawak at laki ng school nila. Halatang mayaman ang nagpagawa ng school na 'to at paniguradong mayayaman lang din na tao lang ang kayang mag-aral dito. Sa itsura pa lang ng mga estudyante dito, mahahalata mo ng mayaman sila.

Maraming hindi estudyante ang dumadating sa school na 'to dahil Foundation week nila ngayon, at dahil day off ko naman ngayon at wala na din naman akong ibang pupuntahan, dito ko na lang naisipan na pumunta. Sakto din na ngayon ang play nila kaya mapapanood ko silang umacting lalo na si Left. Araw-araw syang nagpapatulong sakin sa lines nya pagkauwi nya.

Ang problema ko na lang ngayon ay saan gaganapin yung play nila? ang laki nitong school baka hindi ko maabutan yung play nila o maligaw ako sa lugar na 'to.

"Nissan?" napatingin ako sa tumawag sakin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko sya kilala pero kilala nya ako. Pero may pagkahawig sya kay Veron, boy version lang, baka kakambal nya ito or kapatid? "Hey, ako 'to si Veron." sabi nya sabay tanggal ng wig. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko sya nakilala don ah ang gwapo nya kasi at parang hindi babae.

Hindi kita nakilala, ang gwapo mo kasi.

Natawa sya sa sulat ko.

"Nasa lahi na namin yon." sabi nya sabay kindat. Ngumiti na lang ako. "Nandito ka ba para panoorin kami? buti pinayagan ka ni kaliwa na lumabas na sa lungga mo." sabi nya. Nagsulat ako sa whiteboard ko.

Day off ko ngayon kaya naisipan kong pumunta dito. Nasaan pala si Left?

"Nandon sa theater gym. Tara, samahan kita. Alam ko kasing hindi mo alam kung nasaan yon." sabi nya sabay tawa ng mahina. Napakamot na lang ako ng ulo ko. Mabuti na lang pala nakita ako ni Veron at least hindi ako mahihirapan hanapin kung nasaan si Left.

Nakarating kami sa theater gym nila pero sa likod kami dumaan. Mga kasali lang sa play ang pwedeng dumaan don sabi ni Veron.

"Nga pala, bilisan mong makipag-usap kay kaliwa. Bawal kasi ang hindi kasali sa play ang pumasok dito eh." sabi nya. Tumango ako.

"Veron!" may kung sinong tumawag kay Veron. Agad akong tinulak sa madilim na part ni Veron bago humarap sa tumawag sa kanya. Napahawak na lang ako sa likod ko dahil sumakit nung tumama sa pader, ang lakas tumulak ni Veron.

"Bakit Nami?" sumilip ako ng konti para makita yung kausap ni Veron.

"Anong bakit? hindi ka pa nama-make upan oh! ilang minuto na lang mag-uumpisa na tayo hindi ka pa ayos!" sermon sa kanya ng Nami daw. Napakamot naman ng ulo si Veron.

"Sige, teka lang susunod na ako sayo may aasikasuhin lang ako."

"Okay sumunod ka ah!" tumango si Veron at umalis na din si Nami. Agad akong nilapitan ni Veron at humingi ng paumanhin na hindi nya ako masasamahan kay Left.

"Nasa dressing room si kaliwa. Sa bandang kaliwa nung kulay pula yung pinto. Puntahan mo na lang sya don at wag magpahuli sa mga staff dito at baka hindi mo makausap si Left bago mag-play. Mauna na ako baka ma-beast mode pa yun. Bye." mabilis syang umalis.

Ako naman ay tumingin tingin sa paligid nung maayos na ang lahat, lumabas na ako sa madilim na pwesto at pinuntahan ang sinasabing dressing room ni Left. May dalawang pinto akong nakita pero magkabilang side naman. Sabi ni Veron nasa kaliwa daw si Left kaya yung kaliwa ang tinignan. Nakaawang ng konti yung pinto kaya sinilip ko muna kung nandon si Left.

Wala naman si Left don. Isang lalaki at isang babae lang nandon, yung babae alam kong pumunta na sya sa bahay ni Left. Sya yung nagbigay ng breakfast ni Left. Inaayos nya yung neck tie nung lalaki na titig na titig naman sa kanya. Nakitbitbalikat na lang ako at balak na sana tignan yung isang pulang pinto baka nakamali lang si Veron pero may isang lalaking naka-costume ng babae ang nasa likod ko pala.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon