“Everything has a positive and negative part. And being an Idol’s wife is not an exception.” -L.joe
Dedicated to sherylnapuran18
--
/DASURI/Matapos kong malaman ang tungkol sa pinakahuli kong pagasa para manatiling buhay, wala na kong ginawa kundi ang mag-isip. Sino kaya ang pu-pwede kong makapareha? Aist. Bakit ba kasi kailangang duo pa? Bakit hindi na lang solo? Pinapahirapan pa ko e. Tsk.
Si Kai kaya?
Sigurado magiging daebakk ang audition ko kapag si hubby ang mismong nakapareha ko. At sigurado ring pag-uusapan ‘yon. Hoho.
Mabilis din naman akong napailing, Hindi. Hindi pwede, hindi naman sya estudyante dito kaya imposible ‘yon. At saka, ayoko namang abalahin pa sya. I’m sure naman na sobrang busy nya rin sa panahong ito.
Luminga-linga ko sa paligid, nagbabakasakaling baka may mahanap akong solusyon sa problema ko. Kanina pa dapat nagsimula ang klase namin kay Ms. Soo, kaso hindi parin sya dumarating. Hindi kaya absent sya? Awee. Sana nga huwag na muna syang pumasok. Hindi ko alam kung paano ko haharap sa kanya e.
Napabuntong-hininga ko, may solusyon pa kaya ‘tong problema ko? Ipinagpatuloy ko ang pamamasid sa paligid. Kanya-kanya ang mundo nila. Ang iba pa nga’y nagbabalak nang umalis. Bakit? Anong oras na ba? Tinignan ko ang oras mula sa screen ng phone ko. Ah. Kaya pala, lagpas 30 minutes na kasing late si ma’am, it means considered na syang absent at pwede nang umalis ang mga estudyante nya.
Habang iginagala ang paningin ko, napadako naman ang aking mga mata sa isang lalaking nakaupo sa tabi ng bintana. Nakahead phone lang ito habang nakatanaw sa bintana.
Sya lang naman ang naiisip kong pwede kong makapareha. Sya lang naman kasi ang transferee dito kagaya ko.
Hmm. Nakawin ko kaya ‘yung application nya sa basketball team? Kapag nagkaganon mapipilitan syang makipagpartner sa’kin para magkaroon ng club na sasalihan. Palihim akong ngumiti. Pwede….. basta maexecute ko lang ‘yon ng tama, for sure mawawalan na ko ng problema. HAHAHAHA.
Tumayo ako sa upuan ko’t lumapit sa kanya. Kinuha ko ‘yung isang upuan sa tapat nya at hinila ‘yon para makaupo ako sa harap nya.
“Ehemp,” pagkuha ko sa atensyon nya.
Nilingon naman nya ko, “What?” emotionless nitong tanong.
Ngumiti ako, “Wala naman. Naisip ko lang, parang bigla kong ginustong makipagkaibigan sa’yo. Ang cool mo kasing titigan habang nandoon ako sa upuan ko kanina. Para kang leading man sa mga soap opera. Grabe! Ang lakas talaga ng dating mo. Hindi na ko magtataka kung marami sa’yong nagkakagustong mga kaklase natin. Hehe.” Kahit anong mangyari kailangan ko sya mauto, by hooks or by crooks.
Tinitigan naman ako nito na para bang may kaharap na isang unknown specie na sinusuri nyang mabuti. Pero kahit ganon hindi ko mabasa ang iniisip nya, masyadong emotionless ang mukha nya. Bakit ganon?
Hindi rin naman nagtagal ay napansin ko ang pag ismid nya dahil sa sinabi ko. Napairap tuloy ako dahil sa pagkadismaya. Ano bang problema nito?
“Ah’ friend, musta na nga pala ‘yung application form mo sa basketball team natin? Napasa mo na?” tanong kong muli.
Sana hindi. Sana hindi. Please.
“Why are you asking?” saad nya habang hindi ako nililingon. EH?? Nabigla ko sa naging tanong nya.
“Ahh.. kasi…” paninimula ko. Bahala na nga, magsasabi na lang ako ng totoo.
“Ang totoo nyan, gusto ko sanang humingi ng favor sa’yo. Parang awa muna pumayag kanang maging kapartner ko.” hinablot ko ang kamay nya at hinawakan ‘to nang mahigpit. Napapitlag naman sya dahil ‘don.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias