~15~ Mushroom Soup Versus Broccoli Soup

205K 5.3K 533
                                    

 

~15~ ANG SOUP NI DUSTIN

 

CHLOE’S POV

Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Para itong binibiyak. Para itong nilalagare. Para itong pinupukpok ng martilyo sa sakit. BASTA MASAKIT!!! OUUUUUCCCHH!

Bumangon na ako sa kama at nag-ayos ng sarili sa bathroom. First time kong malasing ng ganun!! Although, naranasan ko nang uminom. Ewan! Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kakainom ng colorful na drink na yun kagabi sa birthday ni Wayne eh. In fairness, ang cute nga nung Wayne! Pero mukhang type si Kaye Anne. Hihihi :””>

Ano ba yan, wala akong matandaan sa nangyari kagabi *pukpok sa ulo*

Medyo kumakalam na ang sikmura ko kaya naisipan kong lumabas na ng kwarto. Sakto namang labas din ni Warren galing sa kwarto niya. Bale, nagkasabay kami.

“Good morning, Chloe.” Bati niya.

“Good morning din,” bati ko pabalik sabay hawak sa ulo ko. Sumasakit na naman!

“Hangover?” Tanong niya bago siya lumapit sa akin.

“Oo,” with matching tango pa ng ulo. “Sakit~ Parang binibiyak ang ulo ko!” >__<

“Nagulat nga kami nang ihatid ka ni Kaye Anne dito. Lasing na lasing ka. Panay ang ungol mo nang Warren, pagluto mo ako ng soup!” Sabay tawa pa niya na lalong nagpasingkit sa mga mata niya. Sinabi ko ba talaga yun???

“Ows?” >.>

“Oo nga. Hahaha! Pinagluto pa nga kita ng soup kaso hindi mo naman nakain kasi,” tinulak niya ang noo ko, “knockout ka na. Sabihin mo nga sa akin, anong ininom mo?”

Napahimas ako sa ulo ko, “Hindi ako sure eh. Basta colorful siya.”

“Colorful o hindi, dapat inaalam mo kung mataas ang alcohol content ng drink mo.” Ginulo niya naman ang buhok ko. “Tara sa baba. Initin nalang natin yung ginawa kong Mushroom soup.”

“Sige.”

Paharap na kami sa direksyon ng staircase nang makasalubong namin ang isa sa mga kasambahay. Lumapit siya agad sa amin.

“Ma’am Chloe, may bisita po kayo sa baba.” *insert kinikilig na tawa here*

Napataas niya tuloy ang isa kong kilay, “Sino raw po?”

“Ayaw pasabi ng pangalan eh. Surprise daw.” *insert parang kinikiliti na tawa here*

“Eh? Sino kaya yun?” Tanong ko.

“Kung bumababa ka nalang kaya para makita mo. Tara na?” Yaya sa akin ni Warren kaya bumaba na kami agad sa receiving area. Nagulat ako nang makita dun si Dustin. Sitting comfortably sa sofa set.

*DUG! DUG! DUG! DUG!*

Uh oh. Kinakabahan na naman ako ng bonggang-bongga. May sakit na yata ako sa puso. Lagi nalang bumibilis ang tibok nito lately eh. Or maybe I should do exercises from now on? Whatcha’ think? >__<

 Lumapit na ako sa pwesto ni Dustin kasunod si Warren sa likod ko. Gusto ko sana siyang paalisin dahil baka malaman niya na suitor ko si Dustin at makarating kay Momsie, kaso medyo rude naman yun. (_ _”)

“Morning, Chloe.” =___= Bungad niya sa akin.

Umangat ang gilid ng labi ko. “Morning. Bat ka nandito?”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon