Chapter 12
STEPHEN LURIS MAIVEN
Nagsimula na nga yung fireworks.
Naalala ko na naman siya.
Nararamdaman ko na naman ang sakit.
Nagsisisi na naman ako.
Bigla namang humangin ng malakas..
At sa di-inaasahan..
Nakita ko si Ciera na nasa harapan ko ngayon, nakatingin sa kin.
"S-Stephen.." sinambit niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin pa at
kaagad tumalikod. Nasasaktan ako.
Hindi ko namalayan na may tumutulong luha na pala sa mga mata ko.
"Teka Stephen!"
Hindi ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Masakit pa rin.. Gaile.
*FLASHBACK*
[Note: Past po ito ni Stephen]
*20 YEARS AGO*
Madilim na madilm ngayon sa paligid. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. I
to siguro ang sinasabi ng mga tao na panahon na ng pasko.
Naglalakad lang akong napakamulsa rito sa lugar nila. Nakajacket ako.
Tahimik na tahimik ang kanilang paligid. Wala rin akong nakikitang mga taong nag
lalakad sa daan.
Parang gusto kong dito na lang ako..
Napakatahimik at walang gulo.
"Yun.. pare o! Mukhang mapera!"
"Oo nga, puntahan natin."
May narinig akong dalawang lalake. Mukhang mga lasing ata.
Napapansin ko naman na parang papalapit sila sa kin pero pinabayaan ko na. Wala
rin namang patutunguhan kung may gagawin ako.
"Oy pre, balato naman jan. Alam namin, marami kang pera." bigla akong inakbayan
nung isa habang yung isa pa niyang kasama ay nasa gilid ko lang.
Hindi ako kumibo sa kanila, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Oyy. Di ka naman ata namamansin e! Di ka naman siguro bingi noh?"
Hindi pa rin ako nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Hoy! Naririnig mo ba kami?!" bigla niya akong kinwelyuhan at ipinasandal sa pad
er.
Hindi pa rin ako kumikibo.
Kung susuntukin nila ako ngayon.. Bahala na..
Gusto ko lang naman kilalanin... kung sino talaga ako.
"Tarantado to e! Baliw ata!" sinuntok naman niya ako kaya naman napaupo kaagad a
ko.
Ang sunod na ginawa nila sa kin ay pinagsisipa na ako at pinagtatadyakan.
Pero.. bakit.. ganito?
Bakit hindi man lang ako nakaramdam ng sakit?
"HOYYY! Tigilan niyo yan!" napahinto naman sila nang may sumigaw.
May babae, sakay-sakay nung bisekleta niya.
"Bakit, Miss? May pera ka ba?" tanong naman sa kanya nung lalake.
YOU ARE READING
Vampire Academy (Completed)
VampireThis story is not mine. Kinopya ko lang sa isang document kase some readers are finding this story. I'm not sure if binura na to ng author kaya naglaho na but this story is amazing so I decided na i-upload ang complete story ng Vampire Academy :) En...