Chapter 24 ♥ Complicated

37K 401 75
                                    

Author's Note:

Gusto ko lang pong magTHANK YOU sa lahat ng nakinig sa panawagan ko at nagcomment ng bonggang bongga!! Sobra akong natuwa kung alam nyo lang! Saka ang daming naitulong ng comments nyo sa akin para mas lalo ko pang mapaganda yung story!! THANK YOU talaga! Mabuhay kayo Listeners!!! <3

And dedicated sa kanya!! Sa lahat ng comment sya ang pinakakakaiba at nakaagaw ng pansin ko. Lahat kasi ang boto ay si Serene tapos sya lang ang iba ang sagot which is Niel :) Walang tama at walang mali sa lahat ng sagot pero natuwa lang kasi ako. Sa dami ng nagcomment sya lang ang nakapansin at nagbigay ng pansin sa iba pang characters. Kaya cheers to you dear!! Whoooh!!! 

Happy reading!!

♥♥♥

Chapter 24 

Serene's POV

Idrina-drums drums ko ang mga daliri sa mesa. Kunwari nagpipiano ako sa isang invisible piano habang hawak hawak naman ng isa ko pang kamay ang binabasang libro. Kanina pa ako nagbabasa pero hindi ako makapagconcentrate. Mag-aapat na oras na kasi ang nakalipas magmula ng binasa ko ito. Matatapos ko na nga kung tutuusin pero hanggang ngayon wala pa rin ang hinihintay ko. 

Super parusa 'to ah at talagang super bumabawi sya sa ilang beses na pagkalate ko noon. Ngayon alam ko na. Sa hinaba haba ng panahon ngayon ko lang narealize. Ang hirap pa lang maghintay. 

Bumuntong hininga ako ng napakalalim bago sumandal sa upuan na inuupuan. Iginala ko ang paningin sa paligid. Hanggang ngayon ay bilib na bilib pa rin ako sa rami ng libro na nasa loob. Buti na lang sa paglalakad lakad ko sa loob ng cruise ay nahanap ko ito. Napakasosyal nga eh. May sarili silang library sa loob ng cruise. 

Walang gaanong tao kaya masarap tumambay dito. Sobrang laki ng pasasalamat ko na nakita ko itong library na 'to dahil kung hindi, baka kanina pa ako namatay sa kabagutan. Hindi naman ako mainiping tao pero hanggat maaari gusto ko may ginagawa. Pero grabe lang ah, sabi ni Jace 'quick' meeting lang daw. Ano na kaya ang ginagawa ng isang yun ngayon? Tapos na kaya sila? 

Inilabas ko sa bulsa ang cellphone ko. Wala namang text o tawag kaya ayos. Pagkatapos tumawag ni Pietr para sa meeting ay agad kong tinawagan si Souta na hindi ako makakapunta. Hindi ako pumunta dahil nangako ako kay Jace na hihintayin ko sya kahit na anong mangyari. Ayokong bumubuwag ng pangako dahil never ko pang ginawa yun. Ayoko naman na ang pangako ko kay Jace na hihintayin sya ang magiging first time. 

Pumunta ako sa camera app. ng cellphone ko para magsalamin. Grabe kasi ang lakas ng simoy ng hangin sa balcony deck ng cruise kanina noong umupo ako roon. Ano na kayang itsura ko? Sana naman hindi ako naging mukhang bruha dahil kung nagkataon, nakakahiya sa mga nakakita at nagpapicture pa sa akin kanina!

Wag naman sana. 

Habang nagsasalamin may nakita ako sa likod ko. Noong una hindi ko ito pinansin pero laking pagtataka ko ng hindi ito gumagalaw. Half body lang ang nakikita ko dahil malayo sya ng konti. Gayunpaman, alam kong nakaharap ito sa akin. Nakasuot ito ng black leggings at high heels na kulay itim. Base na rin dito, alam kong isa itong babae.

Iniangat ko ng konti ang cellphone ko para makita kung sino ito. Sa sandaling repleksyon na nakita ay bigla akong natigilan. Kasabay ng matinis na pagkasa ng baril ay ang paglingon ko rito.

Pero wala na sya.

Tumayo ako at iginala ang paningin sa buong paligid. Alerto ang buong katawan ko sa maaring pagsugod na mangyari. Nandito si Blow at may nakakatakot na tingin sa mga mata nya. Bigla tuloy nagbalik sa isipin ko ang mga huli nyang sinabi noong sinugod nya ako sa bahay. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon