“Sya para lang sa drama, ako para sa totoong buhay.” - DASURI
Dedicated to PapaJongin14
--
/HYENA/“Nakabalik na ba si Kai sa dressing room nila?” I ask my assistant habang nakaupo ako sa isang upuan sa loob ng dressing room. Mula nang bigla syang umalis kanina hindi ko na sya muling nakita pa.
Hindi talaga ko mapakali, saan ba sya nagtungo? And why he looks so pissed? Wala naman sigurong nangyaring masama sa kanya right? Imposible ‘yon. He can’t do stupid things that can ruin our image. Lalo na kung para sa asawa nya. Hindi ko sya mapapatawad kung ganon.
“Ms. Hyena, magsisimula na po ‘yung shooting. Pinapatawag na po kayo ni Direk.” Pahayag nung staff na dumungaw sa pinto. Tinanggal ko naman ‘yung blanket na nasa lap ko. Tumayo na ko’t sumunod sa kanya.
Pagkarating-pagkarating ko sa set, which is yung garden nitong school. Marami na ang mga taong nakapaligid roon upang makiisyoso. Nakaayos na ang mga props and camera. Napangiti ako nang masilayan ang isang lalaking nakatayo sa di kalayuan.
“He looks fine naman.” Bulong ko pa habang papalapit.
Itataas ko na sana ang kanang kamay ko upang kuhain ang atensyon nya, nang may hindi inaasahang eksena kong nasaksihan. My smiles suddenly disappear and my eyebrow goes up. Ang sayang nararamdaman ko ay napalitan ng inis. Who the heck is she?!
Tinawag nito ang pangalan ni Kai. Nilingon naman sya ni jerk at masayang sinalubong. Kitang-kita ko kung paano sila masayang mag-usap. Hinawakan pa nung babae ‘yung buhok ni Kai at inayos ‘to. Really? This scene sucks!
“Uy, tignan mo nga naman. Akalain mong ngumingiti pala ang Kai na ‘yan. Sa tuwing nag-uusap kasi kayo, lagi lang syang nakastraight-face.” Komento ng manager ko matapos makita yung dalawa.
I faced him with a disgusting face, “Shut up!”
Nanahimik naman sya at dahan-dahang lumayo sa’kin. Muli kong ibinalik ang atensyon kila Kai. I composed myself and went beside them. Napahinto sila sa paglalandian at napatingin sa’kin. Mukhang nagulat sila nang makita ko.
“Hindi mo man lang ba ko ipapakilala sa kasama mo?” saad ko habang nakacrossed-arm.
Mukhang natameme naman sa kagandahan ko ‘yung babae. Hindi nya kasi matanggal ang tingin sa’kin. Exactly on what I thought. Pinagmasdan ko naman sya mula ulo hanggang paa. She looks so plain and simple. Nothing interesting.
“Uhh. Sure, this is Hyena,” I cut Kai’s word. Inilahad ko ang kanang kamay ko at nagpakilala. “Kai’s leading lady, love team and a special friend.” I gave her a fake smile. Look bitch! I am way better than you.
Tinanggap naman nya ‘yon at ngumiti. “Nice to meet you, Hyena. Ako nga pala si Dasuri Kim,” aniya.
“My wife.” Singit ni Kai. Nilingon ko sya with a shocking face. “What? Your what?”
“I said my wife, asawa ko.” then holds the girl’s hand. Halos maubusan naman ako nang hininga sa aking nasaksihan. Pakiramdam ko may bumagsak na malaking bato sa ulo ko. Ibinalik ko ang tingin ‘don sa babae. Nakangiti ito sa’kin na para bang wala syang ginagawang masama.
Seriously? Sya na ‘yon?
“Argh. Sumasakit ang ulo ko.” saad ko pagkatapos magdeklara ni Direk ng break. Ilang scene na rin ang natapos namin. Pero kahit ganon, until now I can’t believe na nakita ko na ‘yung asawa ni Jerk.
I am expecting too much. Akala ko pa naman isa ‘yung model na pwedeng ipangtapat sa’kin. Someone who is beautiful enough, sexy enough, and gorgeous enough para mainsecure ako. But hell, she is----argh, I can’t find any word to describe that girl.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias