CHP10: Dance Practice

1.7K 48 4
                                    

“She’s already a wife of someone, so control yourself.” –L.joe

Dedicated to sunnykimm
--
/KAI/

I open my eyes nang wala kong makapa sa tabi ko. Kagigising ko lang at sobra kong nagtaka nang hindi ko masilayan ang aking asawa. Nauna na syang bumangon? I stand up and go downstairs. May narinig akong nagluluto sa kusina. Nagdiretsyo ako roon para kumpirmahin ang aking hinala.

Bumungad sa’kin si Dasuri na masayang nagluluto ng almusal. Why do I feel like it already happens before? At mukhang hindi ko nagustuhan ang nangyari pagkatapos ‘non? Hmm. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya mula sa likod.

“Ay, negro!” bulalas nito nang maramdaman ang presensya ko. “Bakit ka naman nanggugulat. Kita nang nagluluto ‘yung tao e. Pano kung natapon ‘to? Sayang naman ‘yung effort ko.” nakanguso nitong pahayag.

Mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya. Ipinatong ko pa ang aking baba sa kanyang balikat, “Hmm. Mukhang masarap. Hindi naman na siguro maalat ‘yang luto mo ‘no? At wala na ring kasamang balat ‘yung fried egg?”

“Hindi kaya itlog niluto ko. Gumawa ko ng pancake para maiba naman. Hehe.” Saad nito habang niluluto ‘yung pancake na tinutukoy nya.

“Okay, excited na kong matikman ang nilutong almusal ng asawa ko.” humiwalay na ko sa kanya at nagsimulang kumuha ng mga plato. Hahawakan ko pa lang ang mga ‘yon nang bigla nya kong sawayin.

“O-oy! Wag mong hahawakan ‘yan, ako na ang bahalang maghain.” Binitawan nya ‘yung hawak na swense at lumapit sa’kin. Hinatak pa nya ko papalapit sa mga upuan. “Basta maupo ka lang dito. Ako nang bahalang magsilbi sa’yo, asawa ko.” kinindatan nya pa ko bago muling binalikan ang niluluto nya.

Trip nya talagang magpakaasawa ngayon? Haha.

“Okay, kain na tayo.” pahayag nito matapos ihanda ang lahat ng pagkain. Nilagyan pa nya nang syrup ‘yung pancake na nasa harapan ko. Pagkatapos ay umupo naman ‘to sa upuan sa tapat ko. Kinuha ko ‘yung fork and knife at nagsimulang kumain.

“Hmm, not bad.” Komento ko pagkatikim ‘don.

“Talaga? Yehey! Next time susubukan kong magluto ng Korean dish. Hehe.” Masigla nitong sambit.

“I’m looking forward to it, wifey.” Ngumiti pa ko ko habang sinasabi ‘yon. Nagsimula na rin naman ‘to sa pagkain. Makalipas ang ilang minutong katahamikan, naulinigan ko syang magbukas ng usapan.

“Uh, hubby, what time ka pala aalis ngayon?” tanong nito habang sumusubo ng pagkain. Huminto ko sandali at hinarap sya. “Pinapaalis mo na ba ko?”

Bigla syang nabilookan  dahil sa sinabi ko. Palihim akong napangiti habang inaabutan sya ng tubig. She’s so silly. “O’ tubig,” Inabot naman nya ‘yon at agad-agad ininom.

“Hindi ‘no! Nagtatanong lang naman ako, masama ba ‘yon?” defensive nitong tugon.

Yumuko ako at bahagyang ginalaw ang pagkain ko, “You don’t have classes for today, right? Wala rin akong schedule. I guess, we will have a great day today.”

“ANO?! Bakit wala?” medyo napataas pa ang boses nya habang sinasabi nyo.

“You sound disappointed.” Puna ko rito. Agad-agad naman itong umiling habang pilit akong pinapaniwala sa sinasabi nya. “H-Hindi ‘no. Bakit naman ako madi-dissapoint? Makakasama kita buong maghapon? Masaya kaya ‘yon. Ha-ha.” then gave me a fake smile.

Napansin ko pa ang palingon nito sa gilid sabay bulong, “Patay, pano na ‘yung practice namin ni L.joe ngayon?”

Umiling-iling ako, “Masyado syang obvious.”

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon