Chapter 20

861K 14.6K 3K
                                    

Chapter 20

"Problema mo?" asked Dane.

Kanina pa nakaalis si Drake and here I am, inuuntog ang sarili sa pader. Why do I feel freaking guilty?! Wala naman akong ginawa, in the first place! 

I shook my head and waited for him to place my food on the coffee table. "Porridge?" I asked him. Gutom na gutom na ako! Can't he give me something more substancial? As if naman mabubusog ako sa lugaw!

He snickered and shoved the spoon on my hands. "Daming arte. Mukha ba akong marunong magluto kasi?"

"E kasi nandyan naman si Manang! Sinabi ko bang ikaw ang magluto?"

Ah, seriously! Anak talaga si Daddy tong si Dane! Sooooobrang pilosopo!

He stuck his tongue out and smugly walked out the door. Tignan mo 'tong batang 'to! Akala mo di ako matanda sa kanya ng four years, a!

I reached for the spoon and started eating. I wanted to go to the reunion but sadly, hindi ako makapunta. I feel really sick, idagdag mo pa yung stress sa pagpunta ni Drake dito.

"Ah, seriously!" 

Do I need to ask him? But why? I'm happy with my life, do I need to complicate things again? Ugh!

"Hey!"

"Hey..."

Aya walked towards me and jumped on my bed. Ang sakit tuloy lalo ng ulo ko! "Stop jumping!"

She shrugged and rolled on my bed. "Sabi ni Tita Dana may sakit ka raw," she said. I nodded and continued on eating this thing. Seriously, Dane! Wag na wag ka ng tatapak sa kusina. 

"Body ache."

"Oooh. So dito ka lang sa bahay?"

I nodded. Instead of going with Tripp, nandito lang ako sa bahay maghapon. Nice.

Aya beamed and then nilabas niya yung HD niya. "Movie marathon?" I shook my head. "Please?"

I sighed. "Kakanood ko lang kagabi, e. Iba na lang?" I tried to persuade her. if I would be asked, mas gusto ko na lang matulog maghapon tapos energized na ulit bukas! Almost one week na lang bago ang kasal! Ah, freak!

She pouted and rolled over once again. Isip bata pa rin! "Boring mo naman, e."

"Sorry naman na may sakit ako."

She stuck her tongue out. What's with people today? Lahat na lang sila ginagawa nila 'yun, ha.

"Kwentuhan mo na lang ako about Drake! Bilis!"

"Aya!" I reprimanded. Anong feeling niya sa amin nila Drake, soap opera? Sinusubaybayan ang bawat pangyayari? Alam ko naman na mahilig sa chismis si Aya pero... oh, well. Hindi naman ako exception sa kanya!

"Why?" she said with a puppy look on her face. "Sige na, Besh! Nacucurious kasi ako! If ever na matutuloy ang kasal nila next week, so... game over na talaga sa Dralys?"

I frowned at her. Dralys? Really? Wala talagang magawang maganda sa buhay si Aya! Susunod pipilitin ko na siya na makipag-ayos kay Kent! Masyado na siyang lalong naging baliw since nagbreak sila, e!

"Ang damot naman nito!" she whined.

Naupo ako sa tabi niya, indian sit and pinitik ko yung noo niya. "Ang chismosa mo," I said.

"Can you blame me? Ang interesting kaya ng story niyo! Popcorn na lang kulang, pwede ng movie!" sabi niya with that freaking glow in her eyes.

Grabe, ha, Aya! Di mo talaga ako best friend, e! Isa lang akong random na babae sa gilid na nagkataong interesado ka sa love life.

Dating Alys Perez (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon