Chapter 24

33.9K 1.2K 234
                                    


Left's POV

"Anong kalokohan 'to?!" sigaw ni Fin sakin. Nasa kalagitnaan pa din kami ng play kung saan na nalaman na ng parents ni Dion na gay sya at may affair sila ni Charlie. "Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo?! nagkagusto ka sa kapwa mo lalaki?!"

Nanatili akong tahimik at nayuko habang sinesermonan kuno ni Fin.

"Isang kahihiyan sa pamilya ang ginawa mo! ano na lang sasabihin ng mga tao satin? hindi mo man lang inisip ang pamilya mo bago mo ginawa ang kalokohang ito!"

"Hindi ito kalokohan Dad! totong mahal ko si Charlie!" inis na sabi ko. Nagulat ako ng sampalin nya ako. Shet ang sakit non ah! hindi ako ready sa sampal nya.

"Anong mahal ang pinagsasabi mo?! kasalanan sa diyos ang magmahal ng kapwa nya kauri!"

"Anak, tama ang ama mo. Tigilan mo na ito." sabi ni Nike, sya ang gumanap na Mommy ko. Gusto ko matawa tuwing napapatingin ako sa kanya dahil ang babaeng babae nya mula sa damit at sa boses. Iniisip ko tuloy kung tunay na lalaki ba talaga 'to, tinalo pa ang babae eh.

"Tigilan? 'di ba kayo na din na nagsabi na walang mali sa pagmamahal? bakit biglang ganito?" sabi ko. Natigilan sila sa sinabi ko.

"Oo sinabi nga namin iyon pero hindi yung magmahal ka ng kapwa mo lalaki." sabi ni Nike na biglang pumiyok. Madaming natawa sa kanya miski kami ni Fin pero mabilis din kami nagseryoso.

"Hindi ako papayag. Layuan mong yang Charlie na yan. Hindi sya nararapat para sayo, sinasabi ko sayo Dion. Hindi ka bakla!" seryosong sabi ni Fin. Umiling iling ako.

"Hindi Dad, hindi ko sya lalayuan. Mahal ko sya at hinding hindi ko sya iiwanan. Nagawa nya akong ipaglaban sa pamilya nya, magagawa ko din iyon." tumalikod na ako at handa na sanang bumaba ng stage.

"Sige subukan mo ako Dion! sisiguruduhin kong hindi ka magiging masaya sa piling nya!" tumigil ako sa paglalakad at nilingon sila na may inis sa mukha. "Alam mo kung ano ang kaya kong gawin Dion."

"Alam ko. Pero ang hindi ko matatanggap sa lahat ay iyong ayaw nyo akong maging masaya. Ganon ba kayo ka-selfish para pigilan ninyo akong maging masaya? anak ninyo ba talaga ako? 'di ba ang mga magulang ginagawa ang lahat para sa anak nila para maging masaya lang sila? pero kayo? ano ginagawa ninyo? hinihila nyo ako sa sakit at kalungkutan. Alam kong hindi ninyo ako matatanggap ng ganon lang, pero pigilan akong maging masaya? sumosobra na kayo. Kahit papapiliin ninyo ako sa inyong nila Charlie, sya pa din ang pipiliin ko dahil sa kanya ako masaya dahil kahit minsan naman hindi ko naramdaman ang saya nung kasama ko kayo. So bakit pa ako mananatili sa inyo? puro pera lang naman ang nasa isip ninyo. Hindi ninyo naisip ang nararamdaman ko!" sabi ko habang naluluha. Medyo nadala ako sa sinabi ko kaya hindi ko mapigilan mapaluha.

"Anak." sabi ni Nike. Umiling iling ako.

"Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin, handa akong kalabanin kayo para lang kay Charlie." sabi ko at bumaba na ng stage.

Sinalubong ako ng may ngiti nila Nami. Ngintian ko lang sila at pinunasan ang luha ko.

"Nice one Left, konting tiis na lang malapit na tayo matapos." sabi nya. Tumango lang ako at naupo. Maya maya pa naman yung isa ko pang scene kaya magpapahinga muna ako.

"Tubig?" umangat ang tingin ko kay Lyrin. Sya ang ka-partner ko na gumaganap na Charlie.

"Thanks." kinuha ko iyon at ininom. Tinignan ko sya dahil nakatingin sya sakin pero umiwas din ng tingin. Nakitbitbalikat na lang ako.

"Lyrin, Left next na kayo humanda na kayo." sabi ni Nikki. Ano ba yan kakapahinga ko lang a-acting na naman ako. Ang bilis naman ng scene kanina.

"Tara na? galingan natin ah?" sabi ko sa kanya. Tumayo na kaming dalawa at naglakad papunta sa stage.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon