Special Chapter #2

13.3K 354 61
                                    

6 months after...










"@vicegandako: Grocery time with my bukos! Saveeeehh! 🌴💕💛"

Nakakandong kay Vice ang bunsong anak habang busy naman si Karylle sa pagtatali ng buhok ni Klang. Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan patungong Landers upang makapaggrocery. Maya-maya pa'y naisipan ni Vice na buksan ang Fanpage account sa facebook upang makapag facebook live. Nang mabuksan ay mukha nila ni Tutoy ang agad na bumungad sa lahat. Tahimik na ikinaway kaway ni Vice ang maliliit na kamay ng bunsong anak sa screen ng phone. Unti-unti namang dumarami ang viewers na ikinatuwa niya.

"Mommy, say Hi!" Vice said habang itinututok kay Karylle ang cellphone. Nagtataka itong tumingin sa screen ng phone ng asawa dahil hindi nito alam ang nangyayari. "Facebook live 'to huy. Say Hi. Hahaha!"

"Ay, Hi!" kaway nito bago hampasin ng mahina si Vice.

"Anak, say hi." baling nito kay Klang na ngayon ay pilit na sumisiksik sa gitna nila ni Karylle.

"Hi!" nahihiyang sambit nito habang ikinakaway ang kamay.

Itinutok ni Vice ang screen sa mukha ng bunsong anak na ngayon ay walang ibang ginagawa kundi dinudutdot ang phone niya. Dahan dahan namang binabasa ni Vice ang nag-uulanang mga comments. Maya-maya ay kusang humaba ang nguso niya nang mapansin na puro si Tutoy na lamang ang pinapansin ng mga viewers niya. Tutoy here, tutoy there.

"Mukhang aagawan mo pa ng career si Daddy ah," nakangusong bulong ni Vice habang inaayos ang ang phone na kaunti nalang ay mahuhulog na dahil sa kakahampas ng bunsong anak sa kamay niya.

"Daddy Bays," pagkuha ni Klang sa atensyon ng ama. Vice looked at her and raised his brows na tila ba tinatanong kung bakit. "Can you buy me chocowates?"

"May chocolates ka pa sa ref, anak." malambing na tugon ni Vice sa anak habang kinakabig ito palapit sa kanila ni Tutoy. Pinunasan nito ang namuong pulbo sa pisngi ng anak bago ito halikan sa ulo. "Ubusin mo muna yon bago tayo bumili ng bago, okay?"

"Pewo nisabi ko kay Onyok po na ibibiwi ko siya ng chocowate," reklamo nito dahilan para matawa si Vice.

"Bakit ka kasi nagpromise? Eh wala ka pa namang pera na pambili ng chocolates."

"It's a thank you gift, Daddy Bays! Diba nikita ako po nung pawak na kuya niya doon sa may market?" pagkkwento pa nito kaya napapatango na lamang si Vice. Dahan dahan niyang ihinarap sa panganay na anak ang screen ng phone upang makita ito ng viewers.

"Thank you gift? Crush mo siguro si Onyok no?" pambubuska ni Vice. Tinawanan lang naman sila ni Karylle na busy sa sariling cellphone.

"Hala! Hindi naman siya po mawunong mag-comb ng hair." katwiran pa nito with matching simangot.

Saglit na sinilip ni Vice ang comments sa video live niya at napangiti na lamang ng malaki nang makita na ngayon ay puro si Klang naman ang laman ng komento ng mga  viewers.

"Cute mo daw anak oh," nakangiting sambit ni Vice while showing Klang yung mga comments na nagsidagsaan.

"Uhh, thank you." nag-aalangang pasasalamat ng bata bago titigan ang kapatid. "Tutoy's cute too,"

Panay lamang ang pagbabasa ni Vice sa mga comments habang nanatiling nakakandong sa kaniya si Tutoy habang si Klang naman ay nakasandal sa braso niya at tinitignan ang ginagawa niya sa phone. Vice keeps on reading comments nang mahagip ng mata niya ang isang komento.

Karylle Tatlonghari: Mas cute kaya 'yung damulag na may buhat kay Jr.

"Patay na patay nanaman sa 'kin 'tong Karylle Tatlonghari na 'to oh. Poging pogi nanaman sa 'kin." mahangin na sabi ni Vice na tila ba hindi kasama sa loob ng sasakyan ang asawa. "Teka nga, bakit ba Tatlonghari parin surname mo dito sa facebook mommy?"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon