Special Chapter #3 (Tender Rain)

89K 2.3K 543
                                    


Author's Note:  

1) Hello, guys! Sorry sa matagal na update. Sobrang laki ng impact sa akin ng 'Tears of Astrid Torres' kaya parang umi-stop ang utak ko for a few days maiayos 'yung mga chapter dun. Anyway, ugh. Basta basahin niyo na lang ang chapter na ito huhuhu. Hindi ko na grinabihan dahil baka may masabi pa ang mga kaibigan kong nagbabasa nito lol.

2) Sa mga readers ng 'The Maid's Secret', sorry din dahil hindi ako makapag-update. Parang kailangan kasi ng editing ng TMS kaya umi-stop ako. Anyway, susubukan ko ayusin 'yung patapos ko nang draft para sa Chapter 56. 

3) Sa mga nagtatanong, hindi pa po tapos ang story ng mga characters ng MAOG at TOC sa epilogue nitong book two. I don't know if I should consider it as the third book or a separate book but yes, may story po si Sean. It will be the continuation of the second special chapter. Mayroon na pong title at may kumpletong plot na. When? Second week of August or even earlier than that. 

4) May part po ng chapter na ito na galing sa revised and edited version of Chapter 4 ng book one. 

5) If you want to get updated, do like my page and join to our group in facebook. I'm thinking of opening a twitter account to reach the other readers too. Anyway, the links are posted on my profile! 

Thank you for reading and God bless! Enjoy~



****


Special Chapter #3 (Tender Rain) - Set on the time of the Vantress Couple's honeymoon. 



ALEX'S POV



"Seriously. Bakit kailangan pang umulan ngayon?" medyo nagtatampo kong komento habang pinagmamasdan ang mga tila kumikinang na mga dyamante sa labas ng mga bintana. 



Hindi tuloy kami makalabas at makapagikot-ikot ni Liam. Bakit kasi sa lahat ng araw na pwede pa umulan, ngayon pa? Ni hindi tuloy kami makalabas dito sa presidential suite. It is our first time in Maldives and we have two weeks to explore the country and yet it's only been two days since we came here and this fucking rain came up. 



Napabuntong hininga na lang ako at inilingon-lingon ang ulo ko para hanapin si Liam. Nasaan na 'yun? Napakunot naman ang noo ko nang mahagip ng tingin ko ang ilaw sa may kusina. Teka, ano naman ang gagawin ng isang Spade William Vantress sa kusina? He doesn't even know how to cook to begin with. Don't tell me ...



At bago pa ako matawa sa nai-imagine ko nang sitwasyon ni Spade ay tumayo sa ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Marahan at maingat kong inihakbang ang mga paa ko papunta sa kusina nang sa gayon ay hindi niya mapansin ang presensya ko. He's a mafia boss. Siyempre iba ang pakiramdam nito sa paligid. 



"Shit, ang init! Hmm." rinig kong impit na sabi niya. 



Ni hindi ko na nga rin namalayan na tumaas na ang isang sulok ng mga labi ko nang marinig ko iyon. I tried to walk closer to reach the walls near the kitchen. Oh God. Is he really thinking of cooking?

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon