Chapter 9: Trouble

353K 12.8K 3.8K
                                    

I am here again... The place that I've hated ever since I was a kid. This place keeps on appearing in my dreams.

"Shea, please accept the power within you. Tanggapin mo kung ano ka talaga. With it, makokontrol mo na ang kapangyarihan mo. Hindi ka na matatakot. Hindi ka na magtatago."

A woman with a black long dress appeared in front of me. Mahaba ang kanyang itim na itim na buhok na bumagay sa napakaputi niyang balat. Mapupungay at kulay pula ang kanyang mga mata. Wala siyang suot sa paa at parang nakalutang lang siya sa harap ko. She really looks like a goddess. A goddess behind a mask. Ganito nalang palagi, paulit-ulit na lang.

"I told you, hindi ako halimaw!" I shouted back at her.

She's the damn reason kung bakit ganito ako ngayon. Pinasa niya sa'kin ang kapangyarihan nya. A very dangerous and deadly power.

"Hindi nga 'to tungkol lahat sa negatibong iniisip mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na pwede mong gamitin ito sa kabutihan? As long as you let me teach you on how to use it, everything will be controlled," pagsusumamo nya.

"No," pagmamatigas ko. I am not a monster.

"Shea, your Kingdom needs you. Please come back," muling pagsumamo niya.

"I told you, I am not a property of anyone. I am just a normal person with a normal life. So please remove this curse!"

"Hindi ako ang pumili sa iyo, Shea. The power itself chose you because of who you are," she said in a deep voice. 

--

Nagising ako at napatingin sa bintana. Mataas na ang araw. I looked at my clock beside my bed and it's already seven. I still have one hour to go. Kapag nagpapakita kasi ang babaeng 'yon, palagi akong nale-late ng gising.

Pumasok na ako sa banyo. I removed my disguise and took a shower.

"Shea, kain na tayo. Gumising talaga kami ng maaga para sabay na tayong mag breakfast!" masiglang bati sa 'kin ni Eloiny pagdating ko ng kitchen para sana uminom ng tubig.

I'm all set pero sila ni Cein ay nakapambahay pa kasi ten pa ang klase nila.

"Upo ka na Nee-chan," aya sa 'kin ni Cein. Ayoko namang tanggihan ang offer nila kahit male-late na ako because I know the feeling of putting your effort in certain things yet they don't appreciate it.

Simple lang naman ang hinanda nila. Egg sandwich, pancakes, bacons and hotdogs.

Umupo na kami at nagsimulang kumain. "Nga pala, Shea. Kaklase pala kayo ni Mr. Arrow guy? OMG ang swerte moooo!" tili ni El habang may lamang pagkain pa ang kanyang bunganga.

Napatigil ako. "Arrow guy?" I asked.

"Si arrow guy! Yung lalaking bumuhat sa 'yo palabas ng illusion at yung top 1 natin! Si Ren Paxton Montero! My gosh, he's so hot!"

Napakunot ang noo kong puro wrinkles. What? That jerk carried me outside the exam? Para saan? Kadiri. Oo alam kong kadiri 'tong mukha ko pero mas kadiri yung ginawa nya.

"El nee-chan, behave!" sita sa kanya ni Cein. Ang hinhin talaga ng babaeng 'to.

"Ano ka ba, Cein? Ginagawa mo naman akong aso eh."

"Sigurado ba kayo diyan sa sinasabi niyo?" muling tanong ko.

Sabay silang tumango.

"Why would he do that?"

"'Di rin namin alam. Basta ka nalang niyang nilapag sa field at umalis. Buti na lang, napansin ka agad ni Cein kaya pinuntahan ka namin," Eloiny explained.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon