Chapter 35 "Malison"

64K 2.4K 406
                                    

Shunrei's POV

Mag-aalas dose na ng madaling araw. Medyo nahirapan ako sa ginawa kong misyon kaya ngayon lang ako natapos. Madaming pulis ang nagkalat sa paligid ng hotel. Isa-isa nilang sinasakay sa police mobile ang mga hostage taker. Habang ako? Parang isang karaniwang tao lang na naglalakad palayo. We're  a secret organization.We work silently and vanish without leaving any mark.

Inayos ko ang pagkakasuot ng sumbrero at jacket ko. Nagkalat din ang mga reporter sa paligid kaya iniingatan kong walang makakita sa mukha ko.Kung may makakakilala sa 'kin, siguradong---

"Shunrei Almante?"

Isang babae ang humarang sa harap ko at biglang na lang tinanggal ang suot kong sumbrero. Hindi kagad ako nakagalaw dahil sa gulat.

"Kyaaaahhh! Si Shunrei nga!"

Dahil sa sigaw nyang yun, agad lumingon samin ang mga tao.Kinabahan ako. Sino ba namang hindi kakabahan? Nasa gitna ako ng mga taong mukhang gusto na akong sugurin at pagkaguluhan.And the atmosphere is too awkward with their sudden silence. I'm in trouble.

"Ahm... Hi?"

Pero walang nagsalita sa kanila ni isa.They're creepy.Alam ko na kung anong susunod na gagawin nila kaya naglakad na ako ng dahan-dahan.

"And... Bye!"

Sabay takbo. At yun na nga. Para silang mga zombie na hinabol ako. Tili dito, flash ng camera doon. Naririnig ko ang mga tanong nila na,

"Shunrei Almante! Anong ginagawa mo dito?! Isa ka ba sa mga na-hostage?!"

"Pwede ka ba namin mainterview kahit saglit lang?!"

"Anong masasabi mo sa nalilink sayo na si Miss Desiree?!"

"Totoo ba ang kumakalat na balitang may kakambal ka?!"

Natrap na ako sa gitna ng mga tao.Nakakasilaw ang liwanag ng flash ng mga camera nila at ang sikip sa pwesto ko dahil sobrang dikit nila sa 'kin. May mga yumayakap pa.Buti na lang, walang naglalakas ng loob na humalik dahil talagang magwawala ako dito.

Dahil nagkakagulo na ang lahat, sinamantala ko ang pagkakataong makatakas.Nakisiksik ako sa kumpol ng mga tao habang hinuhubad ko ang suot kong jacket.Mabilis kong hinablot ang sumbrero ng kung sino at yumuko.Nahirapan akong makalabas pero sa kaswertehan nga naman, nakalabas ako nang humihinga pa.

Pasimple akong lumayo sa mga nagkakagulong tao.Nung nakalayo-layo na ako, tumakbo na ako ng sobrang bilis.Baka kung ano pang mangyari sa 'kin kung makikita nila ulit ako.

Sa kakatakbo, nakarating ako sa isang tahimik na lugar. May mga bahay naman sa paligid pero wala nang tao sa daan. Siguro dahil alas-dose na rin.Hindi naman ganun kalalaki ang mga bahay. Pangkaraniwan lang.

In this kind of place, if someone saw me walking alone here at this hour,they might think that I'm a drug addict,snatcher or something.Mukha kasing may curfew sa lugar na to. Teka, nasan nga ba ako?

Habang palingon-lingon ako sa paligid, hindi ko napansing may makakasalubong pala ako. Nagkabanggaan kami dahilan para malaglag ang laman ng plastic na bitbit nya.

"My bad,"sabi ko bago ko sya tinulungan sa mga pinupulot nya. Kung tutuusin, napakalawak ng daan para magkabanggaan kami.Aminado akong hindi ako nakatingin sa daan pero sya...bulag ba sya?

Tinignan ko sya.

Babae. May maitim na buhok na aabot hanggang likod. Maganda ang mata. Sakto ang tangos ng ilong. Maganda ang hugis ng labi.Sakto ang tangkad nya sa hugis ng katawan nya at maputi sya. Ah hindi, mali pala. Maputla sya.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon