♀♀ Chapter 8

4.1K 70 14
                                        

♀♀ Chapter 8: Note: To Sunshine

Anak, wag na wag kang maiinlove sa bestfriend mo. Madaling makahanap ng boyfriend, mahirap makakita ng bestfriend. Naexplain ko na! Labyu!-Michael V @ Bubblegang

✉Dedicated kay @LadyAzenette Belated Happy Birthday!

Thankyou po sa pagfollow @laine0105 at sa mga bagong naglagay po sa lib nila ng If Only @Reyah014 @SakuraMei @izalene @engr_kulet @DemnYoo @faintheartedirl @sillyagent @ely_0701 ... thank you : ) at sa pagsuporta dumadami na ang mga bagong recruit na nagbabasa ng If Only yeeey!!! @Recklessbandit at @iamborderline16 hehe natutuwa ako sa mga comment niyo.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

Kahit gaano pa ang pag-iingat ni Dawn, nakita padin siya ni Aya. Mahal pa din kaya niya si Shine? Naramdaman kong parang may tumulong luha sa pagsubsob ng ulo niya kagabi sa braso ko... Ano kayang ngyare?

Dumaan ang oras at kinailangan na din pumasok ni Aya. Naiwan si Shine na tulog padin sa sofa. Sinabit ni Aya yung karatula na note ni Shine sakanya habang natutulog at naglagay pa ng lata sa tabi nito saka naghulog ng barya.

Akmang tumalikod na siya para umalis ng binalikan niya si Shine at hinalikan sa noo. Ngumiti siya at umalis na.

1:30pm na nung nagising siya. Sinubukan niyang magstrecth ksaso nahulog nanaman siya sa sofa. Bakit ba kasi masyadong malambot tong sofa? Nadudulas na lang ako palagi sa tuwing babangon ako -Teka ... nandito nanaman ako? napatingin siya sa sarili niya at nakita niyang may nakasukbit na karatola sakanya. Hay sus, si Aya talaga ginawa pa kong pulubi at naglagay pa ng lata? Naglagay pa para sa abuloy?? Anshweetshweet talaga! babawi ako sakanya, makikita niya!

SUNSHINE's POV

-kriiiiing- Macky calling ...

Pagsagot ko ng phone ko narinig ko agad yung boses niyang kinakantahan ako You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are grey. You never know dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away~

"Aww. I love you dre! Goooodmorning!"

"Dre, tanghali na anong goodmorning? Don't tell me kagigising mo lang?"

"Ai hala 1:30 na nga. Eh okay lang yan dre, kasi mamaya pa namang 6pm yung shift ko"

"Ahh maaga pa nga, sige itulog mo ulit yan ha"

"Ay hindi na dre hehe"

"Kumain ka na ba?"

"Kagigising nga lang kumain na? Adik ka ba? Pwede ba mag sleep-eat?"

"hahahaha yan ka nanaman. Oo na sige na"

"Ay naku alam mo ba dre, nagbrownout kagabi kaya ako napuyat!"

"Oo, diba magkausap tayo kagabi? Amnesia?"

"Ayy, nabawi ka ha! Haha madaling araw na nagkakuryente"

"Kaya pala late ka na nagising"

"Dre, alam mo ba nag-iwan kasi ako ng note kagabi na wag nila ako gigisingin. Alam mo ba paggising ko nakasabit na sa akin yung note at may lata pa akong katabi!"

"Hahaha sino naman gumawa niyan sayo?"

"Ewan ko! Baka si Aya"

"Aya nanaman. Feeling ko talaga dre, may gusto din sa iyo yang Aya nay an eh!"

IF ONLYМесто, где живут истории. Откройте их для себя