Chapter 14

2.3K 24 1
                                    

Sabi ko tomorrow pa ako mag a-update kaso I can't help it e. Hehe... I hope you'll like it.

***

Isang linggo na mula nung naglunch kami nina Bryan. At mula ng pagwalkout niya ay hindi na siya nagparamdam.

'Teka bakit ba ako nalulungkot? Diba iyon naman ang gusto ko?' tanong ko sa sarili

'Gusto mo nga ba talaga?' biglang sabi ng kabilang utak ko.

I sighed. Nakakatawa kasi diba dapat masaya ako kasi hindi ko na kailangan pang umiwas sa kanya dahil hindi na ito nagpaparamdam. Biglang parang may tumutusok sa puso ko. Namimiss ko siya, gusto ko siyang tawagan, makita pero hindi pwede. Ayokong saktan ang bestfriend ko. Alam ko hanggang ngayon ay may nararamdaman pa siya kay Bryan. Kitang kita ko sa mga mata niya ang saya tuwing kausap si Bryan, ang pananabik na makasama ulit ito. At nagi-guilty ako dahil sa nararamdaman ko para kay Bryan.

Natigil ang pagmumuni muni ko ng makatanggap ako ng text from Liz. Agad nag angat ang kilay ko matapos mabasa ang text niya.

From: Sis

Sis I can't accompany you tonight. I have a dinner meeting later. Biglaan lang. Sorry sis.

Agad ko siyang nireplyan.

To: Sis

Saan kayo magdidinner?

Ang tagal magreply naiinis na ako. Tinext ko siya ulit.

To: Sis

Don't worry di ako pupunta dyan. I just want to know kung saan kayo magdidinner.

Nagreply na din siya sa wakas.

From: Sis

Circles event cafe.

Gotcha! After kong malaman kung saan sila magdidinner ay agad kong kinuha ang bag ko at pumuntang parking lot. Syempre joke lang na di ako susunod. Hindi ko pwedeng pabayaan ang bestfriend ko.

****

Gian will be having a dinner date with Liz tonight. Yes. We planned it. Alam namin na oras na malaman ni Alex na magkasama ang dalawang ito ay siguradong susunod ito. 

And tada! I already saw her, nagmamadaling pumunta sa restaurant kung saan naroon sina Gian at Liz. 

Bago pa man siya makalapit ay agad ko siyang hinila at inupo sa table na pinareserve niya. Medyo malayo ito kung saan ang table nina Gian, pero makikita pa rin ang dalawa.

Biglang nanlaki ang mata ni Alex ng malaman na siya ang biglang humila sa kanya.

"A-anong ginagawa m-mo d-dito?" tanong nito na nanlalaki pa rin ang mga mata.

"I know your coming. Andito ako para pigilan ka sa pang iistorbo mo."

"W-what did you say?"

I smirked. "Do I need to repeat myself?"

Biglang naningkit naman ang mata nito. Halatang napipikon na. Di ko mapigilang ngumiti. Kahit ano talagang itsura niya, napaka ganda niya pa rin.

"So alam mo na magdidinner sila?"

Tumango lang ako bilang sagot.

"At hinayaan mo lang?" Bahagyang tumaas ang boses niya, ngunit hindi naman nakaka agaw ng atensyon.

"Yes." Simpleng sagot ko.

"Look Bryan. Sayo na mismo nanggaling na playboy ang kaibigan mo, tapos hahayaan mo lang siyang lumapit kay Liz?" Inis na sabi niya.

"Easy ka lang Alex. Yes I know Gian's a playboy. But believe me he's harmless."

"Harmless? Playboy pero harmless? Pwede ba yun?" Inis na tanong nito.

"Yes."

Halatang napipikon na ito at any moment ay magwawala na kaya naman pinipigilan ko ang sarili na tumawa.

"Alam mo I can't believe you?! Mas alam mo kung ilan na ang mga pinaiyak na babae ng kaibigan mo. Tapos hahayaan mo lang na mapabilang si Liz sa mga yun? Wala na ba siyang halaga sayo?"

"Mahalaga sakin si Liz. Mula noon hanggang ngayon. Kung may magtatangkang manakit sa kanya ako mismo ang pipigil sa taong yun."

Natahimik si Alex. Teka mukhang sa reaksyon niya ay iba ang pagkakaintindi nito. I need to clear that. Ayokong mamisunderstood niya ang cocnern ko kay Liz.

"Look Alex, mahalaga sakin si Liz. Kahit naman wala na kami, hindi pa rin nagbago ang nararamdamn ko sa kanya. I still love her, yun nga lang as a friend na. And Gian's presence is part of the plan."

"P-plan? What do you mean?"

"Me ang Gian made a plan. We want to help Liz to move on. Gian is not courting her, he's helping her to move on. P-para... P-para maging okay na t-tayo"

Tulala pa din si Alex.

"Hey Alex. Don't worry about Gian okay? Ako bahala sa kanya. Kaya hindi mo na kailangang magpanggap na may gusto ka kay Gian."

"At sino namang nagsabi na nagpapanggap ako?"

And that is a revelation.

MY BF's BF Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon