Chapter 10: Blown up

349K 13.1K 3.3K
                                    

400-meter dash, 10 push ups, 50-meter swimming, javelin throw, 10-lap jogging, sit-ups, and bicycling. I did all of them without using any special abilities and power. And as expected, I always came last. Dagdagan pa na parang sinabugan ako ng bomba dahil sa buhok at itsura kong pangit na nga, haggard pa.

Last will be the dodge ball. Ito yung babatuhin ka ng bola kaya dapat mong iwasan, kung hindi out ka na. We were grouped into two at napa rolyo nalang ako ng mata dahil mostly ang napadpad sa 'kin ay mga maarte.

"Kyaaah! Kalaban natin si Ren omg! Em se kenekeleg ne!"

"Magpapatama nalang ako sa kanya tas kunwari mahihimatay ako then bubuhatin nya ako papuntang clinic. Kyaaahh!"

"Agree ako dyan! Ako din, paunahan nalang tayo mwahaha!"

"Tse! Malandi!"

"Nag sabi ang hindi."

Well, whatever wala akong pake sa pinag-uusapan nila. This will be my last chance. Pag bumagsak ako dito, wala na ako. I can only use my power if I'm feeling too emotional o kung gugustuhin ko man, maraming matatakot sa'kin. And I can't even bear thinking that. Okay lang na ganito nila ako tratuhin. At least makakapag halubilo ako. What should I do?

Dahil wala silang mapagtripan, ako ang ginawang leader nila kuno. At ako naman ay nagpauto kunwari.

"Head or tail?" tanong ni Sir Mark while holding a coin. Kaharap ko ngayon ang bwis*t na iniidolo ng lahat. Yeah, it's Paxton o usually, tinatawag nilang Ren.

"Head," diretsang sagot ko. So automatically, tail yung sa kanya.

Sir tossed the coin into the air and as it landed on his palm, head ang lumabas.

He looked at me with an evil grin as we walked back to our groupmates. I know he's already up to something. Diyan naman siya magaling, eh. Puro kalokohan.

"We won. Tayo ang mauuna," tipid kong sagot sa kanila. They just nodded.

Something's wrong.

Nagsimula na ang game. As instructed kanina, we are free to use our power and abilities as long as hindi masisira yung original rules ng game. So heto, bumulusok yung bola ng sobrang bilis na parang kidlat lang. Natamaan agad yung isang kasama namin.

"Aww... how sad naman," sabi ng kasama kong natamaan. But I can feel the sarcasm in her voice.

Next ay binato ulit ng kalaban ang bola papunta sa isa ring kasama ko na tinatarget nila. But when the ball is about to hit her, it suddenly disappeared at muli itong nakita sa likod ng kasama ko at tinamaan na nga siya.

Sunod-sunod ang pag game over ng kasamahan ko hanggang sa ako na nga lang ang natira.

I knew it.

I can feel the atmosphere around us intensifies. Sinasabi ko na nga bang may ibang pinaplano sila.

"So, nerd, where do you want to get hit first?" maarteng tanong ng isang kakampi ni Paxton habang hinahagis-hagis ang bola sa kanyang kamay.

I just looked at him and he's already grinning. Damn you! Di mo ba talaga ako titigilan? Ano bang ginawa ko sa 'yo?

Nanatili lang akong tahimik habang nakatuon ang atensyon sa bola.

"Hey this looks fun! Can I join?" tanong ng isang lalaking kakampi ko.

Sumali siya at sumunod naman ang mga kakampi ko. Yeah, all of them. Mga walang magawa talaga. Tsk.

"Oy, 'di ba enhanced agility yung ability mo? So alam kong simple lang sa 'yo 'to 'di ba?" tanong ng isa.

Napatingin ako sa katabi ni Paxton, it was my seatmate, Alzena and she's just staring at me. Hindi ko alam pero biglang uminit ang ulo ko. Hindi ako nagpapaapekto sa panlalait ng iba sa 'kin, pero pag dating kina Paxton at Alzena, bigla nalang ako nagiging sensitive.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon